SA kauna-unahang pagkakataon ngayong season, nakalaro na si Nets star player Kyrie Irving sa court ng Barclays Center sa Brooklyn, kahit pa nga natalo sila sa Charlotte Hornets, at sinabi niya sa mga reporters na nagpapasalamat siya at sa wakas ay pinayagan na siyang makalarong muli sa court ng New York City.
“I don’t take it for granted. What happened tonight, it was historic,” sabi ni Irving. “I’m grateful that I got a chance to be out there with my brothers and just leave it all out there.”
Nasorpresa pa si Irving nang bigyan siya ng standing ovation ng mga manonood nang ianunsiyo ang pangalan niya na maglalaro sa Barclays Center.
Matatandaan na hindi nakalalaro si Irving sa kanilang teritoryo dahil sa nananatili siyang ‘unvacccinated’ laban sa Covid-19. Pero sa kasalukuyan ay unti-unti nang niluluwagan ng New York ang vaccine requirements.
Bagama’t hindi binabago ni Mayor Eric Adams ang city’s private sector vaccine mandate, nag-isyu siya ng Emergency Executive Order 62 na tanging ang mga New York athletes lang na hindi nababakunahan ang exempted.
Ang 30-year-old na manlalaro ay may average na 27.7 puntos, 4.5 rebounds, at 5.5 assists sa laro.
At sa kanyang home debut ay kumana siya ng 16 puntos, 2 rebounds at 11 assists sa 41 minutes na paglalaro.
Dahil sa puwede nang maglaro ni Irivng sa home games, isang malaking tsansa iyon para mag-imprub ang kanilang win-loss card. Sa kasalukuyan ay nasa pang-9th sila sa Eastern Conference na may kartang 39-36 at ang nalalabing pitong laro ng Nets ay lalarga sa kanilang teritoryo.