Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gari Escobar

Gari Escobar, happy na maging parte ng 1st Aaliwin Kita Virtual Concert 2021

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAY bagong singleang magaling na singer/songwriter na si Gari Escobar at plano niya itong i-release next month.

Aniya, “Yes po, mayroon po akong ilalabas na bagong song, the title is Iwan Mo Na Ako, na set for release on December.”

Kapag nakaraos na or natapos na ang pandemic, ano ang balak niyang gawin sa kanyang career?

Tugon ni Gari, “Sana nga po ay matapos na ang pandemic na ito, ang plano ko po ay bumuo ng album and magkaroon ng press launch with mini-concert po.”

Ipinahayag din ni Gari na sobrang nami-miss na niya ang pagpe-perform nang live.

“Sobra po, mabuti na lang at may iba pa akong passion that’s keeping me busy kahit nasa bahay lang,” pakli niya.

“Iyong iba ko pang passion… mahilig ako sa music, nakaga­gawa ako ng kanta kaya hindi nasasayang ang oras ko.

“Gusto ko rin ‘yung nakai-inspire ako ng mga tao, na nagagawa ko thru my YouTube channel, Instagram and FB accounts. At ‘yung business ko na parang hobby na, kasi gustong-gusto ko ‘yung gina­gawa ko, kaya parang hindi na (siya) work, nasa level na (siya) ng advocacy,” dagdag ni Gari.

Ano ang reaksiyon niya na bahagi siya ng 1st Aaliwin Kita Virtual Concert 2021? Esplika ni Gari, “Masaya po ako na kahit busy ako sa online business ko ay nabigyan ko ng time ito, dahil I love the Aliw group and I am happy na isinama nila ako rito para makapagbigay ng kasiyahan sa ating mga kababayan across the globe.”

Layunin nito na makalikom ng pondo upang tulungan ang displaced live entertainers and OFW performing artists sa panahon ng pandemic. Ito ay produced ng Aliw Awards Foundation Inc., na conceptualized and directed by Miko Villanueva and Diane de Mesa.

Mapapanood ito from Nov. 1 to 14 (International) and from Nov 15 to 30 (Asian countries). Mapapanood dito sina Ms. Pilita Corrales, Ms. Ivy Violan, Richard Merk, Gerald Santos and Ms. Kuh Ledesma. Kasama rin dito sina Ms. Diane de Mesa, Gari, Max Gilbert Sy, Mika Lorie, Zandro Mance, Jawji Anne Altamera, Maricar Aragon, Edrick Alcontado, Aya Rahimifard, Janah Zaplan, Jos Garcia, Manjoh Marley, Beam Divas, at James Al.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists inanunsyo

IPINAKILALA na ng  Puregold CinePanaloang Top 20 student short films na napili mula sa 267 entries …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …