Wednesday , April 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Raymund Isaac
Raymund Isaac

Celebrity photographer Raymund Isaac pumanaw na

HATAWAN
ni Ed de Leon

PINAG-UUSAPAN nila ngayon ang pagpanaw ng photographer na si Raymund Isaac dahil sa komplikasyon ng Covid19. Isang kilalang photographer si Raymund at lahat halos ng mga artista natin na nagkaroon ng malaking projects tiyak na sa kanya nag-pictorial. Isa sa pinaka-close sa kanya at laging sa kanya nagpapakuha ng picture ay si Ate Vi (Vilma Santos).

Umalis siya sa Pilipinas at nagpunta sa US kasama ang kabigan niyang si Jayson Vicente na pinakasalan niya sa California noong July 15. Doon kasi ay kinikilala ang same sex marriage. Matapos lamang ang ilang araw, si Raymund din ang nagsabi na tinamaan siya ng Covid, iyon ay sa kabila ng kanyang pagpapabakuna sa US pa ha. Marahil nagkaroon siya ng depression dahil hindi niya nagawa ang gusto niyang gawin sa US dahil sa sakit, na naging dahilan ng patuloy niyang paglala, hanggang noong Biyernes nga, September 3, sinasabing binawian na siya ng buhay. Matagal din siyang intubated, at under sedation. Mahirap ang kanyang naging sitwasyon, pero ngayon nga natapos na ang lahat ng hirap.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Wally Bayola

Wally Bayola naaksidente motor sumemplang  

BUMANGGA ang sinasakyang motor ni Wally Bayola sa isang pothole sa Barangay Bel-Cruz sa Andaya …

Paolo Contis Dingdong Dantes

Paolo mabils napa-oo sa bagong proyekto kasama si Dingdong

RATED Rni Rommel Gonzales MASAYA si Paolo Contis dahil reunited sila ng matalik niyang kaibigan na si Dingdong …

Regine Velasquez

Regine lie low na sa showbiz, huling concert na sa Oktubre

RATED Rni Rommel Gonzales HULING major concert na ni Regine Velasquez ang magaganap sa Oktubre ngayong taon. …

Princess Aliyah Fred Moser

Princess Aliyah pag-amin lantaran: BF material si Fred Moser!

ni Allan Sancon HINDI na nagpaligoy-ligoy pa si Princess Aliyah nang usisain tungkol sa tunay na estado …

Neeyong Personal Inventory

Baguhang rapper na si Neeyong idinaan sa rap hugot sa buhay

HARD TALKni Pilar Mateo A beautiful disaster. Ganyan masasabi ang inikutan ng bagets na bagong …