Thursday , June 4 2026

Tambalang Ted at DJ Chacha isang taon na sa Radyo5

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

HALOS isang taon mula nang magbukas ang Ted Failon and DJ Chacha @ Radyo5, napagsama nito ang dalawang magkaibang henerasyon ng news, entertainment, music, at pop culture sa isang natatangging radio program. Mula sa pagbabago sa tunog ng FM radio, ang programa ay sabay na sinusubaybayan ng mga millennial sa pamamagitan ng “Queen of FM Radio” na si DJ Chacha, at ng mga “milleniors” (mga senior na marunong makisabay sa mga millennial) na kinakatawan naman ng isa sa mga tinaguriang media legends sa bansa, si Ted Failon.

Hatid ng Ted Failon and DJ Chacha @ Radyo5 ang komprehensibong talakayan ukol sa iba’t ibang isyung kinakaharap ng karamihan. Tampok ang mga nagbabagang balita mula sa Radyo 5 Network News, at mga makabuluhang talakayan kasama ang mga newsmaker sa Think About It.

May mga segment din ang programa na kasama ang mga eksperto sa kani-kanilang mga larangan, tulad ng The Daily Brad Devotions kasama si Pastor Jeff Eliscupidez, Legal Basis kasama si Dean Mel Sta. Maria, at ChinkTime kasama si Chinkee Tan.

Tampok naman sa Good Morning, Lodi! ang mga usapang showbiz, musika at iba pa. May mga masasayang palaro rin na nagbibigay papremyo sa mga tagapakinig sa Hula Hits, Kaninong Boses Ito?, Show Me, at Make Us Laugh.

Simulan ang inyong umaga kasama ang dalawang magkaibang henerasyon na magbibigay kulay sa inyong araw. Kahit saang henerasyon ka man kabilang — mapa-millennial ka man o “millenior” — siguradong busog ang pakikinig mo sa one-of-a-kind radio format ng programang kukompleto sa iyong umaga.

Abangan ang tambalang Ted Failon at DJ Chacha simula 6:00 a.m. hanggang 10:00 a.m., Lunes hanggang Biyernes, sa Radyo5 92.3 News FM, matutunghayan din sa sa One PH Ch. 1 at live rin sa Facebook page ng Radyo5PH at YouTube ng News5Everywhere.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …