Thursday , September 29 2022

Lovi ayaw magsalita sa tsikang paglipat sa ABS-CBN

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

SA face to face mediacon ng pelikulang The Other Wife noong Lunes na ginanap sa Botejyu Capitol Commons, marami ang nagulat sa trailer dahil matitindi ang love scenes nina Joem Bascon at Lovi Poe at gayung din sina Joem at Rhen Escano dahil wala silang takot considering na may Covid 19 pandemic pa.

Kaya natanong siya ng blogger na si Rider.ph kung hindi siya naalangang gawin ito.

“Honestly hindi naman maiiwasan to have that question but we do have certain like (health) protocols before we proceed on set.

“Ako kasi I’ve always been a believer of making a movie show as real, I think you have to trust your director, the whole production that everything is done correctly,” pahayag ng aktres.

Nabanggit din ni Lovi na gumawa siya ng teleserye kamakailan at kailangang pekein ang paghalik na ayon sa kanya ay, ”when you watch it, it doesn’t look nice.”

At dahil masyadong nagtitiwala ang aktres sa production at mga kasama  sa pelikula tatanggap pa rin siya ng love scene kahit may pandemya pa.

“Ako kasi I trust my co-actors if I follow, I’m sure they’re following too. For me kung hindi maiiwasan then (I’ll do it) if it calls for it,” katwiran ng dalaga.

Pinuri at pinasalamatan din ni Lovi ang production team ng The Other Wife dahil talagang maraming inayos para maging safe ang bawat isa sa set kasama na ang location na hindi na sila lalayo pa dahil nga naka-lock in sila.

Samantala, sa panahong wala sa bansa si Lovi dahil dinalaw niya ang kanyang boyfriend na si Monty Blencowe sa Amerika, maraming balitang naglabasan na hindi na nag-renew ng kontrata sa GMA 7 ang aktres dahil lilipat na siya ng ABS-CBN.

Kaya tinanong namin ng diretso ang aktres sa presscon kung ano ang update tungkol sa lahat ng ito.

”Right now, it’s hard to say. Everything is under negotiations. I’ve just finished my show. We’re still having the conversation,” sagot ni Lovi.

Sa tanong namin kung kanino siya nakikipag-usap sa Kapamilya o sa Kapuso.

“I think it’s best to keep it private because I don’t want to be. I want to respect both networks,” napangiting sabi ng dalaga.

Nabanggit din ng aktres na okay siyang makatrabaho ang lahat lalo na Kapamilya stars na gumagawa sa Star Cinema.

“Ako naman po kasi, I’m always open to working with anybody. To grow as an artist, I don’t think you’re supposed to box or keep yourself like just doing the same or working with the same people over and over again.

“Of course it’s nice to work with them (Star Cinema) and explore. Let’s be honest, when we work with other people, that’s the time we will learn something new,” katwiran pa nito.

Anyway, abangan ang The Other Wife sa July 16, sa global premiere nito sa KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV sa halagang P249 at sa Vivamax.

 

 

About Reggee Bonoan

Check Also

Cristine Reyes

Cristine namali ng balanse tumama ang likod sa sahig

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TATLONG beses nagpa-check-up ng likod sa isang espesyalista si Cristine Reyes dahil …

Lolit Solis Kris Aquino Josh BImby

Kahit may sakit din at nasa abroad
KRIS INALAM ANG MGA KAILANGAN NI MANAY LOLIT

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KILALA si Kris Aquino sa pagiging matulungin kaya naman hindi na kami …

Pokwang

Pokwang nagpapatayo ng bonggang summer house para sa 2 anak

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPATAYO ang komedyanang si Pokwang ng tinatawag niyang summer house sa Bataan para sa …

GMA Kapuso stars tulong bagyong Karding

Kapuso stars namahagi ng tulong sa mga apektado ni Karding

I-FLEXni Jun Nardo NAKIPAG-BAYANIHAN ang Kapuso stars sa mga apektado ng Bagyong Karding. Nag-volunteer ang ilang Kapuso …

Blind Item, Man Woman Fighting

 ‘Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Leave a Reply