PINADAPA ng pandemya na dulot ng Covid-19 ang Concha’s Garden resto ni Alden Richards sa Quezon City.
Inihayag ni Alden ang pagsasara ng resto last December 31 nang siya ang naging judge sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga sa live episode ng noontime show last January 2, birthday ni Alden.
Ang mahal na renta sa lugar ang isa sa dahilan ng pagsasara nito. Ikinalulungkot niya ang naiwang memories sa lugar na pinupuntahan ng mga kaibigan at kasamahan sa trabaho.
Gayunman, nakaplano na rin ang pagbubukas niya ng bagong negosyo ngayong taon. Target din niyang magkaroon ng international projects.
Umaasa rin si Alden na makagawa ng movies at bagong TV shows this 2021 na naudlot lahat last year.
Twenty nine (29) years old na si Alden at isang simpleng selebrasyon ang naganap kasama ang tatay, kapatid, lolo at lola.
Anyway, happy, happy 2021 sa lahat ng mambabasa ng Hataw! Tuloy ang paghahatid namin ng mga balita sa mga paborito ninyong mga artista at celebrities!
I-FLEX
ni Jun Nardo