Monday , June 24 2024

Alden Richards, target ang international career

PINADAPA ng pandemya na dulot ng Covid-19 ang Concha’s Garden resto ni Alden Richards sa Quezon City.

Inihayag ni Alden ang pagsasara ng resto last December 31 nang siya ang naging judge sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga sa live episode ng noontime show last January 2, birthday ni Alden.

Ang mahal na renta sa lugar ang isa sa dahilan ng pagsasara nito. Ikinalulungkot niya ang naiwang memories sa lugar na pinupuntahan ng mga kaibigan at kasamahan sa trabaho.

Gayunman, nakaplano na rin ang pagbubukas niya ng bagong negosyo ngayong taon. Target din niyang magkaroon ng international projects.

Umaasa rin si Alden na makagawa ng movies at bagong TV shows this 2021 na naudlot lahat last year.

Twenty nine (29) years old na si Alden at isang simpleng selebrasyon ang naganap kasama ang tatay, kapatid, lolo at lola.

Anyway, happy, happy 2021 sa lahat ng mambabasa ng Hataw! Tuloy ang paghahatid namin ng mga balita sa mga paborito ninyong mga artista at celebrities!

I-FLEX
ni Jun Nardo

About Jun Nardo

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez sa kabila ng mga pagsubok may matibay pananalig sa Diyos, nakatutok sa mga anak na sina Reece at Sapphire

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAHIT dumating man ang maraming pagsubok at dagok sa buhay, …

BGYO

BGYO nagsampa cyberlibel at unjust vexation vs mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news

MA at PAni Rommel Placente HINDI na nakapagpigil, nagsampa ng kasong cyberlibel at unjust vexation …

Gary Estrada Dina Bonnievie Bernadette Allyson Carmina Villarroel

Gary ini-stalk noon si Dina; magpapakamatay ‘pag ‘di pinansin 

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gary Estrada sa Saturday morning show na Sarap, Di Ba? ng GMA …

AR dela Serna Harry Roque

Sino nga ba si AR dela Serna na laging kasa-kasama ni Harry Roque sa Europe?

HATAWANni Ed de Leon MAY ilang nagpadala sa amin ng messages ilang araw na at …

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *