Monday , December 23 2024

“Lapid Fire” sa DZRJ paboritong program ng overseas Pinoys

IKINAGAGALAK natin ang patuloy na paglago ng mga sumusubaybay sa ating malaganap na programang “Lapid Fire” na gabi-gabing sumasa­himpapawid sa maka­saysayang himpilan ng DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz/AM), mula 10:00 pm–12:00 mn, Lunes hanggang Biyer­nes.

Araw-araw ay nakatatanggap tayo ng mga liham-pagbati mula sa mga kababayan nating Pinoy sa iba’t ibang bansa (Middle East, Asia, Europe, Canada, Brazil, Mexico, Afghanistan, Australia) na sinusundan ang ating programa via live streaming sa You Tube at Facebook.

Narito ang ilan sa mga padalang mensahe ng ating mga tagasubaybay:

ERIC CRUZ (Las Vegas, Nevada): “Sir, good pm po sa inyo at sa staff ninyo. Talagang idol ko kayo sir at 1,000 percent na tama ang ginagawa ninyong pagbomba sa mga magnanakaw sa ating gobyerno. Philippines need more like you, sir.”

EMILIO TABING (Guam): “Sir, medyo huli na nang makilala kita sa mga program mo sa You Tube. Kung hindi ako nagkakamali, halos magkasing-edad lang tayo dahil ang mga isyu na tinatalakay mo tungkol sa mga nakaraan ay natatandaan ko pa. Matagal po kasi akong nawala sa ‘Pinas at hangang ngayon po ay narito ako sa Guam. Hanga po ako sa pagtalakay mo sa mga bago at lumang isyu na kinasasangkutan ng mga salbaheng nanunungkulan sa gobyerno.”

LOUIE TORRES (Los Angeles, California): “Igan Percy, nagising ang nakaraan ko sa ‘yo nang banggitin mo ang mga entertainment ng nakaraan. Hindi ako member ng combo pero nakasama ko ang Bernardo o Bernabe, tatlo silang crooner ng banda during ‘68 and ‘69 nang makasama ko sila. Galing din ako sa Japan, Okinawa, at Korea, diyan ako nadestino noong nasa US Army pa ako. Also, tambay din ako sa Intercon noong araw ‘pag nakabakasyon ako sa atin. Laki akong Sampaloc, malapit si Mayor Lim sa amin, igan n’ya ‘yung tiyuhin ko na Police QC na si Ben Torres. One day kung makakauwi pa ako, mag-cafe tayo.”

TEODORA ALCAIRO (Georgia): “Sir Percy, matagal na po akong nakikinig sa inyo, sa kabilang estasyon pa po kayo.”

DAWOOD SUIGOMLO (Bologna, Italy): “Good day, Sir Percy Lapid Fire! Sarap makinig sa inyo, walang kinatatakutan, rapido talaga. ‘Di kompleto araw ko ‘pag ‘di kayo napapanood sa FB.”

ROELDACUMOS (Anchorage, Alaska): “Napaka-ganda po talaga ang programang Lapid Fire. More power to your radio program, sir Percy. Mabuhay po kayo!”

RONALD TAYAG (Houston, Texas): “A lot of sense; When you deliver, more specific and more effective, direct to the point, tamaan kung sino ang tamaan, no holds bar. That makes you legit, as a true mainstream media.”

OBET VITAN (Arizona): “Hello Percy! Dito kami sa Phoenix nanonood sa inyo lagi.”

NOEL MARQUEZ: “Magandang gabi, idol Percy, na-miss kita. Gusto ko sanang “addicted” na ako sa Lapid Fire, pero ayoko magpa-rehab, hehehe. Kahit noon pa na nasa kabila ka pa, naging bisyo ko nang makinig sa iyo, ngayon napapanood na kita.”

Sa inyong lahat, maraming salamat po sa patuloy na pagtitiwala!

 

SUBOK NA SI FRED LIM AT MARAMING NAGAWA

RUFINA GENOVEA: “Lahat ng sinasabi n’yo totoo. Ipagdasal natin na hipuin ang mga puso ng taga-Maynila at mahimasmasan na. Iilan na lang ang may magaganda at may mabubuting hangarin na mapaganda at mapabuti ang Lungsod. Subok na at nakita ang pruweba na maraming nagawa si Mayor Lim, sobra-sobra sa daliri ng kamay, pati daliri sa paa kasama na riyan. Ang ibang tumatakbo protektor ng droga, protektor ng kriminal tulad ng snatchers at holdaper. Dapat s’ya na talaga ibalik natin. Buong puso natin siyang ihalal ulit para mas maraming kapalit na proyekto na hanggang apo natin makikinabang pa. Gano’n kasi mga ginawa na n’ya dati, so gagawin pa rin n’ya ngayon kung maibalik natin siya. Sana po patnubayan siya ng panginoon at bigyan ng malusog at malakas na pangangatawan, at sana manalo ulit siya. Good luck at God bless us all!”

 

VOTE-BUYING SA MAYNILA

(CHERRY M.): “Ka Percy, kanina sa barangay namin habang namimigay para sa senior citizen, nanawagan ang chairman namin na ‘wag daw pong kalimutan si Erap para hindi daw siya mapahiya.”

(ERIC C.): “Sa mga taong nagbebenta ng kanilang boto, ibinebenta ninyo ang kinabukasan ng mga anak ninyo at kinabukasan ng mga magiging apo ninyo. Gumising kayo sa katotohanan na kayo ay ginagamit lang ng mga magnanakaw sa gobyerno.”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *