“IT is a cause worth every peso and point.”
Wala pang isang buwan ang nakalilipas, hinikayat ng Globe Telecom ang lahat ng mobile customers na i-donate ang kanilang 2018 expiring rewards points upang makatulong sa pagbuhay sa primary rainforest cover ng Filipinas via Hineleban Foundation bilang bahagi ng rainforestation advocacy ng kompanya.
Para sa bawat 100-point donation, (ang 1 point ay katumbas ng 1 peso), ang Globe Rewards users ay nakapagbibigay ng pondo sa bawat punong itatanim.
“The response was unbelievable! In just 13 days, the rewards points donated by Globe customers to Hineleban Foundation reached 1,600,300 points or P1.6 million, enough to plant 16,003 trees covering 16 hectares of denuded forest areas in Bukidnon. So far, it was the highest donation amount raised in the shortest number of days since Globe Rewards opened up the use of rewards points for donation,” ayon sa Globe.
Ang Globe Rewards ang baseline loyalty program ng Globe Postpaid, Prepaid, at TM. Ang mga customer ay makaiipon ng mga puntos at makatatanggap ng exclusive offers sa pagiging tapat sa Globe.
“We are happy to see our customers becoming part of our environmental sustainability efforts because we all need to be aware that everything is interconnected. For instance, if we bring back our rainforests, then we increase our groundwater storage or aquifers, and in turn, avoid a water crisis. The task is undoubtedly massive but we believe that these simple and small ways can go a long way in helping reach this objective,” wika ni Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer and Senior Vice President for Corporate Communications.
Ang partnership ng Globe at Hineleban Foundation ay nagsimula noong December 2016 nang pumasok sila sa Sacred Customary Compact kasama ang Indigenous People (IPs) na may Peace and Development role sa Bangsamoro People upang matukoy ang mga hakbang upang matupad ang pangarap ng rainforestation.
Sa kasalukuyan ay muli nilang tinataniman ang may 300 ektaryang hubad na primary rainforests, maliit na bahagi ng 44,000 ektaryang sinurvey at tinarget ng Foundation sa Bukidnon at Lanao del Sur.
Ang programa ay binalangkas sa limang bahagi sa loob ng limang taon, na tatagal hanggang December 2021.
“The reforestation process begins with the planting of calliandra to quell acidic cogonal grass. This is followed by the planting of tree species that are ideal for agroforestry, including Brazilian fire trees and Caribbean pine trees. Intercropping then becomes the objective, with 600 indigenous tree species per hectare planted to secure the area as a permanent watershed. Some of the species grown are almon, bagtikan, mayapis, apitong, red lauan, palosapis, white lauan, olayan, katii and nato.”
Ang reforestation methodology ng Hineleban Foundation ay kinikilala sa ibang bansa kung saan tumanggap ng Grand Prize Award para sa best project sa forestry sector mula sa Agricultural Research Centre for International Development and the French Development Agency noong 2015.
Bukod sa Hineleban, ang Globe ay sumusuporta rin sa iba pang environmental sustainability advocacies tulad ng paperless billing, responsible electronic waste recycling, marine biodiversity conservation workshops for sustainable business practices, at ‘Wag Sa Single Use Plastic education campaign na tumatalakay sa masasamang epekto ng plastics sa kapaligiran.
Ang Globe at Hineleban Foundation ay patuloy na tumatanggap ng donasyon para sa rainforestation viahineleban.org/donate. Para sa karagadagang impormasyon hinggil sa iba pang sustainability efforts ng Globe, bumisita sa Globe of Good at i-follow ang Globe Bridging Communities sa Facebook.