HATID ng Bria Homes, isa sa mga nangungunang mass housing developer sa bansa, na matupad ng bawat ordinaryong Filipino ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling bahay.
Mula sa isinusulong na “Murang Pabahay” ng BRIA, mas marami pang mga Filipino ang siguradong magkakaroon ng mas abot-kaya, may kalidad, at magagandang disenyong tahanan.
“Hindi mo na kailangan manalo sa lotto o makuba sa sobrang trabaho para ipambayad sa renta. Paano ka magkakabahay? Sa Bria Homes matutupad mo na ang matagal mo nang pangarap na magkaroon ng sariling bahay. Anoman ang iyong estado sa buhay at propesyon, nasa Luzon, Visayas o Mindanano ka man, kasabay mong aabutin ang iyong tagumpay sa inihahandog na murang pabahay ng BRIA Homes, “ ayon kay Bria Homes President Red Rosales.
“Hangarin ng BRIA Homes ang walang humpay na paghatid ng kaunlaran, kaya naman sinisiguro namin na ang lahat ng proyekto ay naaayon sa plano at hinubog sa piling lugar na tumpak na maging tirahan ni Juan,” dagdag ni Rosales.
Ang BRIA Homes ay kompanyang may malawak nang naitatag na pabahay at ipinagmamalaki na may mahigit 50 sa higit na 40 bayan at siyudad sa buong bansa, sa loob lamang nang isang dekada.
Ipinagmamalaki rin ng BRIA Homes ang mabilis na pagpapatayo nito ng mga pabahay para sa mga nagnanais nito.
Sa Luzon, matatagpuan ang BRIA Homes sa lalawigan ng Pangasinan (Urdaneta), Tarlac (Paniqui), Pampanga (Magalang and San Fernando), Bataan (Mariveles and Hermosa), Cavite (General Trias, Trece Martires, at Indang), Batangas (Balayan and Lipa), Bulacan (Plaridel, Malolos, Santa Maria, San Jose Del Monte, at Norzagaray), Rizal (Teresa, Binangonan, and Baras), Laguna (Calauan, Calamba, Sta. Cruz, San Pablo, Alaminos, and Bay), at Camarines Sur (Pili and Iriga).
Ang bawat bahay ay idinisenyo na angkop sa pang-araw-araw na buhay ni Juan: ang Elena na may sukat na 22 sq.m. floor area sa 36 sq. m. lote; ang Bettina na may 36 sq. m. floor area sa 44 sq.m. lote; at ang Alecza, na may 36 sq. m floor area sa 81 sq. m lote.
Sa naninirahan sa Visayas at Mindanao region, mapapasainyo rin ang abot-kayang BRIA Homes na matatagpuan sa lalawigan ng Negros Oriental (Dumaguete), Samar (Calbayog), Leyte (Ormoc), Misamis Oriental (Cagayan de Oro, Balingasag, at Gingoog), Bukidnon (Manolo Fortich, Valencia), Davao del Norte (Tagum, Panabo, at Carmen), Davao del Sur (Davao City at Digos), North Cotabato (Kidapawan), at South Cotabato (General Santos City).
Ilan lamang ito sa mga lugar kung saan patuloy ang paglago ng komunidad ng BRIA para matugunan ang pangarap na bagong tirahan para sa mapagpunyaging Pinoy.
Bahagi rin ng BRIA Homes ang mga pasilidad na angkop sa makabagong uri ng pamumuhay tulad ng covered courts, retail establishments, palaruan sa mga bata at ang pasilidad para sa espesyal na kaganapan at pagtitipon. At higit pa sa paghandog sa mga residente ang matiwasay na buhay, ang komunidad ng BRIA ay malapit sa mga pamilihan at sakayan.
Mayroon shuttle service upang maihatid-sundo ang mga patungo at paluwas sa BRIA community.
At higit pa riyan, ang bawat mamamayan ay may pagkakataon nang makapagmay-ari nang hulugan na BRIA Homes sa abot-kayang halagang P1,897 kada buwan.
Ang BRIA Homes ay bahagi ng Golden Bria Holdings, Inc., ang kompanyang may mahigit P200 bilyong pamumuhunan.
Para sa karagdagang impormayon sa BRIA Homes, bisitahin ang www.bria.com.ph, o tumawag sa (02) 369 9322 at (0966) 277 5944, i-like ang “Bria Official” sa Facebook, at sundan ang “@TheBriaOfficial” sa Twitter at Instagram.