Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayweather at Belo, nagsanib-puwersa

AKALA’Y biro. Ito ang unang naisip ni Dr. Vicki Belo nang magpa-book sa kanyang Belo Medical Clinic ang magaling na boksingerong si Floyd Meayweather para magpa-treat.

Noong Abril 2 dumating ng Pilipinas ang magaling na boksingero at nagtungo kay Belo para sa skin tightening treatment, ang Thermage FLX. Kaagad namang sinalubong ng Belo Medical Group si Mayweather at sumailalim siya sa bagong Thermage FLX, ang bago at kasalukuyang version ng popular skin tightening machine.

Nang matapos ang konsultasyon at treatment kay Floyd ng top Beauty doctor, Dr. Belo, kaagad silang nagtungo sa New World Hotel sa Makati para sa isang mabilisang press conference para ibalita ang kanilang bagong partnership. Ang magandang set up ng press con ay isinagawa ni Robert Blancaflor.

Ayon sa kuwento ni Dr. Belo, nagsimula ang pagkagiliw niya sa boxing champ noong isang taon nang makita niya ito sa isang mall. Hindi puwedeng lapitan o makapagpa-picture kay Floyd noon. Pero nang makita siya ni Mayweather ay ipinatawag siya at nakapagpa-picture siya sa boksingero. Take note, hindi siya kilala noon ni Mayweather kaya ganoon na lamang ang pagkatuwa ni Belo sa kanya.

Ayon naman kay Floyd, narinig niya ang tungkol kay Belo sa isang  kaibigang Pinoy. Naikuwento niyon kung gaano kagaling si Belo at kailangang puntahan niya ito kapag nagpunta siya ng Pilipinas.

Dahil sa pagpunta ni Floyd, inintriga si Belo dahil alam naman ng marami na kaibigan niya si Jinky Pacquiao. Pero anang doctor, walang naging problema ang pag-treat niya kay Mayweather dahil natuwa pa nga ang maybahay ni Pacman dahil dalawang magagaling na boksingero ang pasyente ng kanyang kaibigang doctor.

Ani Jinky, walang problema kung maging pasyente rin ni Belo si Mayweather.

Ang partnership ng BeloxMayweather ay isang testament sa Belo Medical Group lalo’t nais nilang gawing top destination for Beauty ang Pilipinas. Habang marami ang nagki-claim sa pagpo-promote ng medical tourism, matagal nang ginagawa ito ng Belo Medical Group. Katunayan, nag-iikot sila sa iba’t ibang lugar para ibalita at i-promote ang bansa bilang beauty destination. At taon-taon, nagsusumite ang top Aesthetic clinic ng scientific papers sa international conferences.

Kaya hindi na kataka-takang nangunguna sa pag-aalaga ng kagandang ang Belo Medical Group dahil responsibilidad nila ang ibigay ang kanilang best sa Pilipinas man o sa ibang bansa.

Kaya tugma ang pagsasamang BeloxMayweather.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …