Saturday , November 23 2024

BRIA Homes, murang pabahay para sa pamilyang Filipino

WALA nang makapipigil sa patuloy na paglusong ng BRIA Homes, ang kilalang housing developer sa bansa, dahil sa taglay nitong karangalan na magbigay ng dekalidad na tirahan sa abot-kaya ng bawat mamamayang Filipino.

Taglay ang pangarap at pagpupunyagi ng bawat pamilyang Filipino, inihahandog ng BRIA Homes sa kanila ang mga bagong pabahay sa mga kaaya-ayang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Bahagi ng Golden Bria Holdings, Inc. — ang kompanyang may mahigit P200 bilyong pamumuhunan — ang tinaguriang ikatlong pinakamalaking real-estate company sa Filipinas sa larangan ng pamumuhunan.

Sa ngayon, ipinagmamalaki ng BRIA Homes ang 50 pagtatag nito sa may 40 maunlad na bayan at siyudad sa buong bansa, na may kabuuang 700 ektaryang lupain.

Mula sa sentro ng ekonomiya at politika ng Filipinas sa Luzon, malugod na ipinagmamalaki ng BRIA ang mga proyekto nito sa lalawigan ng Pangasinan (Urdaneta), Tarlac (Paniqui), Pampanga (Magalang at San Fernando), Bataan (Mariveles at Hermosa), Cavite (General Trias, Trece Martires, at Indang), Batangas (Balayan at Lipa), Bulacan (Plaridel, Santa Maria, San Jose Del Monte, at Norzagaray), Rizal (Teresa, Binangonan, at Baras), Laguna (Calauan, Calamba, Sta. Cruz, San Pablo, Alaminos, at Bay), at Camarines Sur (Pili at Iriga).

Sa Visayas at Mindanao, inihahandog ng BRIA ang murang pabahay sa Negros Oriental (Dumaguete), Samar (Calbayog), Leyte (Ormoc), Misamis Oriental (Cagayan de Oro, Balingasag, at Gingoog), Bukidnon (Manolo Fortich, Valencia), Davao del Norte (Tagum, Panabo, at Carmen), Davao del Sur (Davao City at Digos), North Cotabato (Kidapawan), at sa South Cotabato (General Santos City).

“Ang mga natatanging lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao, na pawang malapit sa sentro ng kalakaran at hanapbuhay, ay layuning maghatid ng kaunlaran sa kalidad ng pamumuhay ng bawat ordinaryong pamilyang Filipino. Sila ang mga mamamayang higit na nangangailangan ng dekalidad na tirahan,” ayon kay Red Rosales ng Bria Homes.

“Dahil sa mataas na pangangailangan sa aming mga proyekto, layunin namin na palawakin pa, panatilihin at ipagpatuloy ang pangmatagalang misyon na tugunan ang problema ng bansa sa pabahay at tulungan ang libo-libong pamilyang Filipino na abutin ang kanilang pangarap na magkaroon ng disenteng tirahan,” dagdag ni Rosales.

“Layunin namin na gawing kaaya-ayang lugar sa lahat ng uri ng Filipino ang bawat BRIA community upang magkaroon sila ng pagkakataon na mamuhay nang matiwasay.”

Inihahandog ng BRIA ang nakapupukaw na moderno at makabagong disenyo ng tirahan na angkop sa ninanais ng bawat mamimili: ang Elena, na may sukat na 22 sq. m na unit sa 36 sq. m na lote; ang Bettina, na may sukat na 36 sq. m ang unit sa 44 sq. m na lote; at ang  Alecza, na sukat na 36 sq. m na unit sa 81 sq. m na lote.

Lahat ng BRIA homes ay abot-kaya (sa halos P1,897 lang kada buwan), at may magagandang disenyo. Siguradong kahu­hu­malingan ng sinuman ang paninirahan dito na may maayos na komunidad at angkop sa uri ng pamu­muhay.

Bukod dito, may inilaan din ang BRIA na iba’t ibang uri ng pasilidad at serbisyo tulad ng palaruan sa mga bata, covered court para sa mga event at pagsasanay, mga pamilihan at transportasyon.

Para sa karagdagang katanungan at impormnasyon sa Bria, tumawag sa (0966) 277 5944, i-like “Bria Official” sa Facebook, and sundan kami sa “@TheBriaOfficial” sa Twitter at Instagram.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *