Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Grace Poe

Grace Poe ‘most trusted’ senatorial bet

MULING nanguna si reelectionist Senator Grace Poe sa isang independent/non-commissioned survey na isinagawa ng isang polling firm sa bansa.

Sa survey ng Publicus Asia Inc., noong 16-17 Marso sa 1,800 registered voter sa Metro Manila na ginawa sa pamamagitan ng face-to-face interview, lumalabas na si Poe ang may pinakamataas na voting preference o 72.56% at trust rating na 80.22%.

Pumangalawa si Sen. Cynthia Villar sa voting preference na 61.72% at trust rating na 69.22%, pangatlo si Sen. Nancy Binay na may voting preference na 49.50%, at trust rating na 59.50% sinundan ni dating senador Pia Cayetano sa voting preference na  46.33% at trust rating na 58. 17 at si dating Philippine National Police director general Ronald ‘Bato’ dela Rosa na may voting preference na 46.33% at trust rating na 57%.

Pumasok din sa Top 12 sina reelectionist Senator Sonny Angara, dating senador na sina Bong Revilla at Lito Lapid, dating Special Assistant to the President Bong Go, dating senador ­Jinggoy Estrada, Ilocos Norte Governor Imee Marcos at Sen. JV Ejercito.

Kasunod nila sina Sen. Bam Aquino, Sen. Koko Pimentel,  dating senador Serge Osmeña, dating Cabinet member Francis Tolentino at dating broadcast  journalist Jiggy Manicad.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …