HUMATAW ang ranking ni Senador Bam Aquino sa pinakahuling survey ng Social Weather Station mula 23-26 Enero ngayong taon.
Nasa No. 11 na ngayon si Sen Bam mula sa No. 14 ranking niya sa December 2018 SWS survey.
Ito na ang pangalawang pagkakataong pumasok si Sen Bam sa winning circle of 12 batay sa SWS survey.
Sa Pulse Asia survey noong 14-21 Disyembre 2018 nasa 10th-16 ranking si Sen Bam na may 32.6% rating.
Sa katatapos na survey ng Radio Mindanao Network, si Sen Bam ay na nasa 10th ranking.
Nagpahayag ng kasiyahan si Sen Bam sa patuloy niyang pagtaas sa mga survey kasabay ng pasasalamat sa mga mamamayang patuloy na nagtitiwala sa kanyang kakayahan.
Sinabi ni Sen Bam, importanteng mabusisi ng taongbayan ang track record ng mga kumakandidato, lalo ang mga katulad niyang incumbent, dahil naniniwala siyang ang sukatan ng paglilingkod ay mga nagawa para sa kabutihan ng nakararami.
Sa pagiging senador sa loob nang halos anim na taon, maraming batas na ang nagawa ni Sen Bam na nagpabago sa buhay ng maraming Filipino tulad ng Go Negosyo Act at libreng kolehiyo sa mga kabataan.