Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Erap Estrada Manila
Erap Estrada Manila

Proper waste disposal system dapat sundin (Erap sa Manila zoo, local gov’t buildings)

INATASAN ni Manila Mayor Joseph Estrada si City Administrator Ericson Alcovendaz na tiyaking maayos ang waste disposal ng mga estrukturang pag-aari ng local na pamahalaan kasunod ng plano ng national government na isagawa ang major rehabilitation ng Manila Bay.

Partikular na pinatututukan ni Mayor Estrada ang Manila Zoo na kabilang sa nabanggit ng DENR na walang maayos na waste disposal system upang matiyak na makatutugon sa Environmental Code Ordinance 8371 na naipasa ng konseho sa ilalim ng kanyang termino.

Nagbigay din ng direktiba si Estrada kay Alcovendaz na magsagawa ng imbentaryo sa mga gusali na pag-aari ng city government para sa lalong madaling panahon ito ay magawan ng mga tamang waste disposal bago magsimula ang rehabilitasyon ng Manila Bay.

“Dinatnan na nating ganyan ang sitwasyon ng Manila Zoo kaya’t ginagawan natin ng paraang maayos ito. Kaya nga tayo nagkaroon ng Enviromental Code Ordinance para masolusyonan ang mga problemang sumisisra sa ating kalika­san,” ani Estrada.

Tiniyak ni Estrada, suportado niya ang pro­yektong rehabilitasyon ni Pangulong Duterte kaya’t ngayon pa lamang ay ipinaiinspeksiyon na rin niya ang iba pang city owned premises na posibleng direktang nagtatapos sa Manila Bay.

“Inuuna natin ang mga local government pro­perties na sumunod sa mga environmental laws bago natin tutukan ang commercial establish­ments. Kailangan Makita nila na tayo sa gobyerno ang unang sumusunod sa batas,” ani Estrada.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

The Department of Science and Technology – Central Luzon, under the leadership of its Regional …

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …