Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
ABS-CBN Studio Experience
Ang ABS CBN Themed Experiences na pinamumunuan ni Cookie Bartolome

ABS-CBN, sumusubok pumasok sa iba’t ibang media platforms

BAGO ang kanilang Christmas party, pinapunta muna ng ABS-CBN sa kanilang Studio Experience, isang gaming attraction sa isang Quezon City mall. Ang tema ng kanilang mga attraction ay mga show ng ABS-CBN. Ganito rin ang narinig naming plano nilang itayo, nang mas malaki sa San Jose del Monte Bulacan, na inaasahang lilipat ang network mula sa kanilang studios sa Quezon City.

Isa rin iyan sa mga bagong negosyo ng ABS-CBN na sinusubukan nilang palakihin. Marami silang sinusubukang mga negosyo ngayon, kabilang na nga rin diyan ang pagpasok nila sa iba’t ibang media platforms. Kabilang na ang ilang internet applications na maaaring mapanood ang kanilang shows anumang oras, at ang mga pelikula nila  ng libre. Ngayon ay sinasabi nilang malaki na ang kanilang audience sa internet. Sinasabing paghahanda iyan, kung sakali mang totohanin ng gobyerno na hindi na sila bigyan ng broadcast franchise sa 2020.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …