Thursday , June 4 2026
Jemina Sy
Jemina Sy

Jemina Sy, pagsasabayin ang showbiz at public service

SI Atty. Jemina Sy ang isa sa awardees sa nagdaang PC Goodheart Foundation ng businesswoman at maindie film producer na si Ms. Baby Go.

Sasabak sa politika, si Atty. Jemina ay nag-file na ng kan­yang kandidatura bilang Marilao, Bulacan mayor. Paano ang kan­yang showbiz career, pahinga muna ba? “Puwede namang sabay e, hahaha!” Nakatawang saad niya.

Bakit niya naisipang puma­sok sa politika o public service? “Kasi gusto ko naman, magsilbi naman sa nangangailangan. Kasi nakita ko noong nagtayo ako ng foundation, hindi enough ‘yung may foundation lang ako para makagawa ako nang pagbabago talaga, something great para sa bayan ko. So nag-decide ako na tumakbo para mas mayroon akong magawa.

“Sa amin sabi nga namin, kapag ‘yung team namin, Ser­bisyo, SYgurado… kapag ako ang nanalo, hinding-hindi sila magsisisi. Kami, basic services ang aming ibibigay. Sa ngayon wala kaming public hopsitals, so ‘yun ang one of our main na gagawin. Then wala rin kaming gymnasiums, parks na pu­wedeng pagdausan ng events. Of course ‘yung kalsada, ‘yung mga kalsada sa amin sa baha, tubig, pagpapaganda ng mga daan, basic services.

“Sabi ko nga kapag ako ang nanalo, ‘pag ako naging mayor ng Marilao, walang mahirap sa Marilao. Lahat makakakain, may trabaho, may libreng ospital, may libreng edukasyon. So kaunlaran ng Marilao ang ating isusulong,” sambit ni Atty. Jemina na ang political party ay NUP at ang kanyang vice mayor ay si Romel Pabale na dating kapitan.

Ang pagiging artis­ta niya at TV host, makakatulong kaya sa kanyang candidacy?

Esplika ni Atty. Jemina, “In a way yes, people will know na I’m very much great to be with, ‘di ba? I’m a pro­fessional lawyer and yet talented pa rin ako. I can sing, I can dance, I can act, I’m very ver­satile, well talented, well rounded in­dividual. Talagang magaling na bata and dalubhasa! Hahaha ‘yun ang tagline ko e,” naka­tawang wika niya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Rainbow’s Sunset, isang family movie na dapat panoorin sa MMFF

Rainbow’s Sunset, isang family movie na dapat panoorin sa MMFF

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …