Wednesday , December 25 2024
CHED

Desisyon ng SC sa Filipino, Panitikan sa kolehiyo iaapela

WALANG naganap na public hearing at hindi rin kinonsulta ng korte ang mga grupong eks­perto sa wikang Fili­pino.

‘Yan ang ilan sa rason kung bakit iaapel ng grupong Tanggol Wika ang desisyon ng Korte Suprema na nag­ta­tanggal sa Filipino at Panitikan bilang “core subjects” sa kolehiyo.

Sinabi ni David Mi­chael San Juan, convener ng grupo, importanteng mapanatili ang dala­wang subject sa kole­hiyo, lalo’t maraming dapat talakayin ukol sa wika at panitikan sa mas mataas na antas.

“Sabi nila, dahil mayroon na sa senior high school, elementary, at high school, puwede na raw iyon. ‘Yun din ang pinakinggan ng Supreme Court,” ani San Juan.

“Maraming bagay na mataas na antas ng dis­kurso na mas sa college matatalakay. Kagaya ng mga isyu sa lipunan, re­search sa sariling wika, sa college ‘yun mas ma­ga­gawa,” dagdag niya.

Noong Abril 2015 pansamantalang ipina­tigil ng Korte Suprema ang CHEd Memorandum Order No. 20, na nagta­tanggal sa Filipino at Panitikan bilang core subjects sa kolehiyo.

Tinanggal nila ang temporary restraining order nitong nakaraang linggo matapos ideklara ng korte na konsti­tu­s-yonal ang “K to 12 program.”

Babala ni San Juan, aabot sa 10,000 guro ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo ang posibleng mawalan ng trabaho dahil sa naging desisyon ng korte.

“Wala pa sa amin ‘yung kopya [ng desis­yon] mula sa Supreme Court. So hihintayin namin ‘yung kopya bago kami mag-file ng motion for reconsideration,” ani San Juan.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *