Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mojack and The Tribes Band
Mojack and The Tribes Band

Mojack and The Tribes Band, humahataw sa gigs!

MAY banda na ngayon ang versatile na comedian/singer na si Mojack kaya mas kakaibang entertainment at saya ang hatid niya sa bawat per­formance na kanyang gina­gawa. Ang pangalan ng grupo niya ngayon ay Mojack with the Tribes Band.

“Start na po ang grupo kong Mojack with the Tribes Band sa mga tugtugan, out of town shows… Sa katunayan, kata­tapos lang po ng show namin as primetimer sa Food Treat Tayo sa Pasay City at heto po may Pampanga naman po kami this coming October 27 sa Angeles City.

“Ang members po ng Mojack with the Tribes Band- original rythm section ni kuya Joey (Blakdyak) na sina Noel (keyboard) Paul (guitar) Jeson (drums), si Alfie (bass) lang po ang bago sa amin pero solid na po kami,” saad ni Mojack.

Banda ba iyan ni Blakdyak dati? ”Yes po kuya, dati pa naman buhay pa si kuya, sila na ang kasama ko sa mga primetime ko. Alam at gusto naman ni kuya Joey (Blakdyak) na isama ko ang grupo, kapag wala silang show sa akin muna sila para kumita. Pero ngayon nga po na wala na siya at nakalulungkot, napag-usapan po namin ng grupo na ipagpapatuloy na lang namin ang naumpisahan niya po. Iyon naman po ang gusto niya at bilin niya sa akin noong tinawagan niya ako that time na nasa Japan.

“Ang schedules ko po this month: sa Oct. 23 ay sa Marinduque, Oct. 27 sa Angeles City, Nov. 2 sa Marin­duque, Nov. 4 sa Legaspi City, sa  Nov. 5 sa Bacolod City at sa Nov. 6 sa Cebu City po.”

Ayon pa kay Mojack, gusto nilang ibalik ang estilong reggae music sa bansa na pinasikat noon nina Papa Dom at ng bandang Tropical Depres­sion, at ni Blakdyak. “Abangan po nila ang mga ilalabas naming kanta ng grupo na estilong reg­gae novelty na nawala sa industriya natin. Sana sa pama­magitan na­min ay mabu­hay natin ulit ito, kasi halos ang ating iniidolong mga reggae mas­ter ng Filipinas gaya po ni Papa Dom at Blakdyak ay pu­manaw na, suma­langit nawa ang kanilang mga kaluluwa.”

Sa ngayon, bukod sa kaliwa’t kanang shows ay nagsisilbing jester din si Mojack sa ASAP sa ABS CBN.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …