DAPAT pag-isipan mabuti ni Willie Revilame, kung papasok siya sa politika. Inaalok kasi siya ni Mayor Sara Duterte Carpio na sumama sa Partido Hugpong Pagbabago (HNP). Walang problema kung Senador ang takbo ni Willie, may panalo naman siya kasi sikat naman ang show niya na Wowowin sa GMA 7 at primetime pa ito napapanood. Ang ibig sabhin nasa magandang oras ang kanyang show.
Maraming natutulungan na kababayan natin si Willie, kapag pumasok siya sa politika at nanalong senador, am sure mapapabayaan niya ang show niya na Wowowin. Marami pa naman ang umaasang tao sa kanya para may trabaho sila bukod pa sa ibinibigay niyang biyaya araw-araw sa mga tao. Puwede naman siyang makatulong nang wala sa politika.
****
Napalaban sa kantahan sina dating senador Robert Jaworski at spokesperson ng KABAYAN party-list na si Angelica Jones sa ika-9 na anibersaryo ng KABAYAN Party-list kahapon sa Ayala Southpark Mall, Alabang.
Ang KABAYAN Party-list ay itinatag ni Congressman Ron P. Salo at ng kanyang mga kasamahan noong Agosto 2009. Sina Cong. Salo at Cong. Ciriaco S. Calalang ang kasalukuyang kinatawan ng KABAYAN Party-list sa Kamara. Si Cong. Calalang ang pumalit kay dating Cong. Harry Roque na ngayon ay tagapagsalita ng Pangulo.
Ang mga pangunahing adbokasiya ng KABAYAN Party-list ay kalusugan, pabahay, kabuhayan, edukasyon at kapakanan ng overseas Filipino workers 0 OFWs (KABAYAN + 2). Ang KABAYAN Party-list ang isa sa pangunahing nagsusulong ng Universal Health Care (Kalusugan Pangkalahatan), Philippine Mental Health Law, 14th month pay, national minimum wage, pagbibigay ng regular na sahod sa mga opisyal ng barangay, pagbibigay ng regular na honorarium sa Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Equalization Act o pagbibigay ng dagdag na pondo sa mga barangay, at dagdag na sahod sa mga titser.
“Mananatiling katuwang ng pamahalaan ang Kabayan Party-list sa pagsusulong ng mga polisiya at mga batas na higit na magpapabuti sa buhay ng bawat Filipino,” ani Cong. Salo.
Layunin ng KABAYAN Party-list ang bigyang kakayahan ang bawat Filipino na pagandahin ang kanilang buhay sa pamamagitan ng paglilinang ng kanilang kaisipan (critical thinking), kasanayan (competency/ craftsmanship), at katauhan (character).
“Patuloy na isusulong ng KABAYAN Party-list ang karapatan at kapakanan ng mga Filipino sa mas maayos na kalusugan, pabahay, kabuhayan at edukasyon, at pagbibigay ng higit na proteksiyon sa ating OFWs,” ang sabi naman ni Cong. Calalang.
May gobernador, congressmen, mayors at iba’t ibang opisyal ng gobyerno ang inaasahang dadalo sa nasabing pagdiriwang ng KABAYAN Party-list. Pararangalan ng KABAYAN Partylist ang mga aktibo at masigasig nitong kinatawan (coordinators), miyembro at mga kaanib na organisasyon mula sa iba’t ibang dako ng Filipinas. Libo-libong mga kababayan nating maysakit at mga estudyante ang nabigyan na ng tulong-pinansiyal ng KABAYAN Party-list.
Sina Pangulong Rodrigo R. Duterte, Senate President Tito Sotto, Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Secretary Bong Go at Mayor Sara Duterte ay nagpaabot ng kanilang pagbati sa pamunuan ng KABAYAN Party-list sa matagumpay na pagsusulong ng kanilang adbokasiya para sa mga Filipino.
Maraming mga kongresista at opisyal ng gobyerno ang nagpaabot din ng kanilang malugod na pagbati.
****
Lahat ng mga tagasubaybay ng Eat Bulaga araw-araw ay masaya, kasi naman panay ang bigay ng biyaya ng nasabing show sa mga kababayan natin lalo sa portion nilang Juan For All, All for Juan, Bayanihan of the Pipol hanggang 120,000 ang ipinamimigay nila sa mga masuwerteng napipili.
Kaya tutok lang lagi sa Eat Bulaga mula Lunes hanggang Sabado sa GMA 7 lang po!
PALABAN
ni Gary P. Sta. Ana