Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heaven Peralejo, beauty pageant material

SA totoo lang, iyon ang first time na makaharap namin iyong si Heaven Peralejo. Magandang bata, kung titingnan mo nga, sasabihin mong isang beauty pageant material, bagama’t sinasabi niyang “hindi po puwede kasi 5’3″ lang po ako”. Pero kung titingnan mo siya, dahil mahaba ang legs eh, mukhang matangkad talaga.

Marunong din siyang mag-project ng kanyang sarili, kaya kung i-describe nga siya ng kanilang director na si Julius Alfonso ay “napakaganda niya sa screen. Kaya nga kahit na may naisip na silang iba para riyan sa Harry & Patty, nai-suggest kong baka puwedeng si Heaven na ang kunin.

Actually first time rin naming nagka-trabaho ngayon”. Mukhang ok din naman, kasi sinasabi nga ng director na mahusay naman palang artista talaga si Heaven.

Pero nagulat kami sa dahilan ng pagsisikap ni Heaven.

Kasi po gusto kong basta nakaipon na ako ay magamit ko naman ang pera ko sa negosyo. Nag-aaral ako ng business management, at gusto ko rin naman na magamit ko ang pinag-aralan ko. Pero hindi po naman ako makapagsimula pang mag-ipon ngayon. Kasi may sakit ang mother ko. May cancer siya eh at para sa akin iyon ang priority. Hindi naman siya sa akin umaasa, pero ang feeling ko dapat magsikap ako sa career ko, kumita ng malaki at matulungan siya.”

Sinasabi nga ng doctor niya, ibang klase iyong cancer niya, kaya walang masyadong available na gamot para roon. Pero kami naman buo ang pag-asa naming makaka-survive siya riyan. May awa ang Diyos pero kailangan naman magawa namin lahat ng possible cure para sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit nagsisikap ako, kasi gusto ko naman na lahat ng possible cure maibigay sa mother ko,” sabi niya.

Pagkatapos niya sa Harry & Patty ay may projects na siyang nakalinya at iyon ay ipinagpapasalamat niya at sinasabing dahilan din para lalo siyang magsikap pa.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …