Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jojo at Lovely, tampok sa Ronda Patrol Alas Pilipinas sa Umaga

ANG tandem nina Jojo Alejar at Lovely Rivero ang matutung­yayan sa bagong show ng TV5 na Ronda Patrol Alas Pilipinas Sa Umaga, isang tele-magazine show na matutunghayan tuwing Biyernes, 6:00-7:00 ng umaga. Ito’y handog ng Pilipinas Multi-Media Corporation Incorporated at powered by Rainbow Cement Corporation.

Co-anchors nila sina Lad Augustin, Loy Oropesa and Joey Sarmiento. Layunin ng programang ito mula sa TV5 na ipaalam sa madla ang mga nang­yayari sa Filipinas, makatulong, at makapagpasaya.

Bukod sa educational, informative, at good enhancer, entertaining and family friendly din ang morning show. Ilan lamang ito sa mga katangian ng isang show para panoorin at tutukan ng viewers.

Esplika ni Jojo sa kanilang morning show, “Ito’y parang tele-magazine type of show, which aims to inform people about Philippine issues, lahat ng issues natin and issues abroad. Those issues na makakatulong, maka­pag­papasaya at makapagpa­pasagana ng ating kabuhayan.”

Saad niya, “Ang maganda rito, we are open to everyone and everything to make the show interesting. In fact ‘yung mga initial na ginawa namin, meron kaming naging guest from the construction industry, from online industry. We are looking forward to having media people to help us out. So it’s open to everyone. People from all walks of life can be guest there na… if they can share something substantial na matutuwa naman ang mga taong manonood.

“Iyon ang pinakamaganda roon, we are open to everyone and anything under the sun which is magkakaroon ng infortaining sa mga manonood, information and entertaining, at the same time.”

Ipinahayag ni Lovely ang kasiyahang maging part ng show. “Hosting is something na hindi masyadong alam ng mga tao na ginagawa ko. Since I’m more on acting. But it’s something that I love to do. And I’m so grateful that I’m doing it again now. So thank you to our pro­ducers and to Jojo also. Masarap din ‘yung nagho-host kasi iba naman, you learned a lot being a host and of course, you will be able to contribute to the show itself,” saad ng aktres/TV host.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …