Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tonz Are, hataw sa pelikula at endorsements!

TULOY-TULOY sa pagha­taw ang magaling na indie actor na si Tonz Are. Bukod sa kaliwa’t kanang pelikula, pati sa endorsements ay sunod-sunod din ang natatanggap niya. Bukod sa pelikula ay lumalabas din ngayon si Tonz sa telebisyon at teatro. Madalas siyang mapa­nood sa mga episodes ng The 700 Club Asia sa GMA-7.

Sinabi ni Tonz ang mga pinagkakaabalahang project ngayon. “My new film ako, ‘yung Rendezvous sa direksiyon ni Marvin Gabas under Knight Vision Production. Executive producer is Enouch Cruz at kasama ko po rito sina Ms. Gina Pareño, Patani Daño, Jiana Arigue, at iba pa. Ang screening po ay July 28, 2018 sa SM Aura, BGC at Aug. 11, 2018 sa SM Trece Martirez, Cavite po.

“Ang iba ko pang movie ay Onna nina Joel Mendoza and Bong Bordones. Iyong Onna, it’s a Japanese word na ang meaning ay babae. Horror film po (siya) and I play the role of Rione, brother ng Onna played by Kristine Mangle po. Ang isa ko pang movie ay Agulu, kasama po namin dito si Janice Jurado, nanay ko po siya, Kristofer King, Pamela Ortiz, Amaya Vibal, at iba pa. Ang Agulu po ay entry sa Toronto Film Festival sa Canada, ito’y sa direksiyon ni Reyno Oposa. Sobrang ganda ng istorya nito at ang daming aral po na mapupulot, lalo sa kaba­taan dahil about po ito sa droga.”

Kabilang naman sa bagong endorsements niya ang Prime Aesthetics, VRL Aesthetics surgery, Doctor Vincent Lao, at sa sponsor niyang Silka Soap.

Malapit nang simulan ni Tonz ang pelikulang pagsasamahan nila ng award-winning actor na si Carlo Aquino mula Deo Production. Ang producer nitong si Deo Macaraig ay isang show producer at promoter sa Dubai. Sobrang saya rin ni Tonz nang manalong Best Actor sa Starbuzz 2018 para sa Rendezvous. “Sobrang saya ko sa award na ito, halos walang mapaglagyan ang aking saya sa panibagong award na nakuha ko. Worth it lahat ng pagod namin sa movie kong Rendezvous.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …