Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Willie, bumili na ng bus para sa 2019 election

ANG director/actor na si Dinky Doo ang magiging campaign manager ni Willie Revillame sa sandaling magdesisyong tumakbo ito sa pagka- mayor ng Quezon City o senador.

Kuwento ni Direk Dinky sa storycon ng pelikulang, DAD, I Hate Drugs”Actually, hindi pa campaign manager. Siyempre, kung talagang tatakbo bakit hindi maging campaign manager kung gusto ni Willie.

“Actually, ikina-campaign ko na rin siya sa Marawi.

“Naniniwala kasi ako sa kanya na kailangan niyang tumakbo kasi marami na siyang pera. Kasi hindi na siya mangungurakot ‘di ba?

“At saka may basbas siya ni Presidente Rodrigo Duterte na talagang sabi nga eh, ‘di ba ‘ito ang dapat na tumakbong senador.’”

Ilang percentage yung chance na tatakbo talaga si Willie?

“I think  75% sa pagka-senador ba.”

As early as now ay, umiikot na sila. ”’Yung ‘Wowowin’ basketball ng mga artista  na kasama siya.

“Bumili na nga siya ng bus eh, libre to walang bayad. Ito ‘yung anti-drug campaign kasi niya.

“Ito ang advocacy niya. Mamigay ng jacket, mamigay ng pera, committed na siya roon kahit wala sa studio lalabas siya.

“Ito ‘yung taong (Willie) hindi pa tumatakbo pero namimigay na eh. Hindi siya humihinto sa pamimigay niya ayan ang maganda sa kanya, siya at saka si President Duterte pareho ang ugali nila.

“Pero siyempre siya talaga ang magdedesisyon (kung tatakbo).  Abangan na lang natin next year pa naman ang eleksiyon.”

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …