KALIGAYAHAN ang hatid ng pagbisita nina James Reid at Nadine Lustre nang bisitahin nila ang Ashford at St. Peter’s Hospitals NHS Foundation Trust para bigyan ng tribute ang mga Filipino nurses doon na nag-aalaga ng mga may dementia sa Maple Medica l Ward.
Binisita rin ng JaDine ang ilang pasyente roon habang nililibot ang iba pang lugar sa nabanggit na ward. May 3,700 na hospital staff ang nasabing ospital at 500 ay mga Pinoy.
Matagumpay konsiyerto nina Nadine at James sa Europe. ”It’s been an adventure for us not just in the UK but from Dubai, Doha, Paris. Everything has been so fun,” tsika ni James.
Dagdag pa ni James, ”To all the Filipino nurses out here, your reputation for being the best there is, keep up the hard work, we are happy for you.
”We are really happy to be here and we are excited to perform for you,” pahayag naman ni Nadine.
(JOHN FONTANILLA)