Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga kaibigan ni Kris, kumilos para magpa-block-screening

MISMONG si Kris Aquino ang umamin na flop ang kanilang pelikula, at inaako na niya ang pangyayaring iyon dahil ayaw niyang maapektuhan iyong Joshlia, na ang mga nakaraang pelikula ay naging mga malalaking hits.

Pero siya na rin mismo ang nagsabing kumilos naman ang kanyang mga kaibigan na nagpa-block screening sa mga sinehan para sa kanyang pelikula. Ang ibig sabihin niyon, binabayaran nila ang buong sinehan, mapuno man iyon o hindi, Basta ang bilang, naibenta ang lahat ng tickets para sa isang screening, at bahala na silang humakot ng manonood. Parang rally lang, puwedeng hakutin ang sasama.

May inilabas na gross report ang Star Cinema, pero may isang insider na nagsabi sa amin na ang kinita ng pelikula ay higit na mababa kaysa nasa press release. Natural lang naman ang ganoon.

Eh paano ba namang kikita iyan, hindi nai-promote ang pelikula dahil ang pinag-usapan ay ang love team ni Kris at Mayor Herbert Bautista,”that never was.”

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …