Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erich Gonzales, buwis-buhay ang mga ginawa sa We Will Not Die Tonight

SUMABAK sa matinding aksiyon ang Kapamilya aktres na si Erich Gonzales sa pelikulang We Will Not Die Tonight na isa sa entry sa gaganaping Pista ng Peliku­lang Pilipino 2018 ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa  15-21 Agosto, sa lahat ng sinehan, nationwide.

Sa naturang pelikula na pina­mahalaan ni Direk Richard Somes, isang stuntwoman at aspiring actress sa pelikula si Erich. Ayon sa kanya, nagkaroon ng aksidente sa shooting nila na akala raw ng aktres ay katapu­san na niya.

Wika ni Erich, “Walang double, as in, lahat po ng stunts, wala akong double. Paghawak ko nanginig ako, may koryente! So lahat sila, ‘Hala anong nangyari? Cut!’ Nakoryente talaga ako, totoo pala ‘yung akala mo, ‘Lord, wow ito na yun.’ Pero hindi pa rin, never say die. Kaya sabi ko, ‘Isa pa direk, kaya pa ‘to. So take-2, pero mayroon pa rin. May ground, may koryente talaga. Then sabi, “‘Wag na, ‘wag na ito. It’s not worth your life naman so ‘wag na, ‘wag na.’

“And then sabi ko, ‘Direk sabi mo, gustong-gusto mo itong scene na ‘to di ba?’ Sagot ni Direk Richard, ‘Oo, pero baka mamatay ka, kargo pa kita, ‘wag na ‘yan.’ Tapos sabi ko, ‘Sige direk.’ And then noong next shooting day namin, sabi niya (Direk), ‘Rich, ganda talaga ‘yung elevator scene.’ Ganyan magsalita si direk, ‘di ba.

“Kaya sabi ko, ‘O direk, gawin na natin.’ Sabi niya sa akin, ‘Ready ka ba? Makokoryente ka ulit?’ Hanggang sa hayun, nagawa namin ‘yung eksena na wala nang koryente, buhay po tayo, thank you Lord,” masayang saad ni Erich.

Manibago kaya rito ang fans mo?

Sagot niya, “Di ko nga po alam e, basta ngayon walang expectations, walang anything, sobrang pasasalamat lang po namin na maging part ng New York Film Festival, tapos ngayon ‘yung Pista ng Pelikulang Pilipino. And bilang artista po, ayaw naman natin maging de-kahon, hangga’t kaya po natin, gusto natin gumawa ng iba’t ibang klaseng pelikula, iba’t ibang tema, at hangga’t may mga naniniwala po sa trabaho natin.”

Anong dapat asahan ng moviegoers sa movie ninyo? “Ito po, kung gusto po nila na maiba naman, ‘di ba? Suspense, action, thriller, sana po suportahan nila at panoorin. Ito pong pelikula, talagang brutal kung brutal, pero may puso ang pelikula dahil katulad po ng sinabi ko, napa­panahon ito, nangyayari ‘to sa totoong buhay. It’s a film about survival, ano bang gagawin mo ‘pag nandoon ka na sa panganib na ‘yun? Kung tatakbo ka ba, magtatago, or lalaban ka para mabuhay?” Esplika ni Erich.

Tampok din sa We Will Not Die Tonight sina Paolo Paraiso, Alex Medina, Jeffrey Tam, Max Eigenmann, Thou Reyes, at iba pa.

 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …