BILANG bahagi ng mas pagpapaigting pa na maikalat at magkaroon ng bagong market ang Pinoy films, ang International Film Festival Assistance Program (IFFAP) ng Film Development Council of The Philippines (FDCP) sa pangunguna ng Chairperson at CEO nitong si Ms. Liza Diño ay patuloy sa pagtulong sa mga artista at manggagawa sa likod ng camera.
Nabibigyan ng tulong ang mga kinatawan ng iba’t ibang pelikulang kalahok para makarating nang personal sa mga international film festival.
Sa taong ito, anim na pelikula ang binigyan ng ayuda ng FDCP para sa New York Asian Film Festival (NYAFF). Kabilang dito ang Buy Bust at On the Job ni Direk Erik Matti, Neomanila directed by Mikhail Red, Respeto ni Direk Treb Monteras, Sid & Aya (Not a Love Story) directed by Irene Villamor, at We Will Not Die Tonight ni Direk Richard Somes.
“With these incredible genre films that we have from our country, the Philippines could really be a hub of genre filmmaking. We are very proud that through NYAFF, they have found a platform so they may be accessed by North American audience, including our Filipino diaspora.
“FDCP has assisted our delegates through our International Film Festival Assistance Program (IFFAP) and we look forward to them connecting with international counterparts for future projects and collaborations. We wish them the best of luck,” saad ni Ms. Liza.
Ang ilan sa nakibahagi sa ginanap na send-off press-con ay sina Anne Curtis, Erich Gonzales, Abra, Direk Erik, Direk Treb, Direk Richard, Direk Irene, Brandon Vera, Alex Medina, Thou Reyes, Nico Dans, Max Eigenmann, Paolo Paraiso, Chai Fonacier, at iba pa.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio