Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Torres Alden Richards
Andrea Torres Alden Richards

Andrea, nagsanay din ng parkour para makasabay kay Alden

PROUD ang mabait at mahusay na aktres na si Andrea Torres na mapasama sa Victor Magtanggol na pinag­bibidahan ng Pambangsang Bae na si Alden Richards.

Ginagampanan ni Andrea ang role ni Sif isang diyosa (Norse Goddess). ”Ako po rito si Sif, isang diyosa, may power iyong suot kong hair ban.

“Isa akong Norse goddess na siyang gagabay at tutulong kay Victor kapag nasa panganib.

“Kaya mag-a-action din ako rito. Kahit po katatapos ko lang sa ‘Alyas Robin Hood 2’ na nakita naman ninyo kung paano ako makipaglaban sa mga kaaway ni Alyas Robin Hood noon, nag-training pa rin ako ng parkour para makasabay din ako sa pakikipaglaban ni Victor sa mga eksena.

“Maaaliw din kayo, lalo na ang mga batang manonood, dahil mayroon akong pet dito, si Ratatoskr.

“Kaya kahit kumakain kayo ng dinner, at nanonood sa amin, mag-i-enjoy kayo, makare-relate kayo sa story ni Victor Magtanggol.”

Happy nga na nakatrabaho ni Andrea si Alden. ”Good leader ang tingin namin kay Alden sa set, ang gaan-gaan ng aura niya. Kahit anong oras talagang laging nakangiti, parang hindi napapagod sa trabaho,” pagtatapos ng magandang aktres.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …