MINSAN habang ikaw ay ganap na naka-relax at hindi nag-iisip nang kung ano pa man, saka ka naman nakapag-iisip nang magagandang mga ideya.
Ang prinsipyo rito ay sa mga sandaling ito ika’y higit na nakatatanggap ng chi mula sa labas, at sa pamamagitan nito iyong natatamo ang uri ng inspirasyong hindi mo batid na iyo palang makukuha.
Ito ay tungkol sa pagpapasok ng creativity mula sa labas, imbes na hanapin ito sa loob.
*Ang layon dito ay ang paghinga nang malalim. Humiga at ipatong ang iyong mga kamay sa iyong pusod. Habang humihinga, palakihin ang iyong tiyan upang maiangat mo ang iyong mga kamay. Ipraktis ito nang ilang sandali hanggang sa maayos ka nang nakahihinga sa pamamagitan ng iyong tiyan.
*Punuin ang tiyan ng hangin at ipagpatuloy ang paghinga patungo sa iyong dibdib. Ilabas ang lahat ng hangin mula sa iyong katawan sa pamamagitan ng “out-breath.”