Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayor Herbert Bautista, espesyal ang relasyon kay Kris Aquino

MAY ginawang libro bilang bahagi ng pagdiriwang ng 50th birthday ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Pinamaga­tang Bistek @ 50 Life In Color’ (The Herbert Bautista Biography), nagkaroon ng pagkakataon ang members ng entertainment media na masilayan ito sa regular na tsikahan niya with the press na laging sinasabi ni Mayor Herbert na ang way niya ng pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa lahat ng press na nakatulong sa kanya mula pa noong simula ng kanyang acting career hanggang ngayong isa na siyang public servant.

Golden boy na nga si Mayor Bistek, pero single pa rin siya. Nang usisain namin kung ano ba ang bertud niya at habulin siya ng chicks? Tugon niya sa amin, “May bertud? Hahaha! Hindi, hindi naman ako hinahabol.”

Hindi rin daw siya takot sa commitment. “E, aabot din tayo roon…”

Wala ka bang pakakasalan pa? “Marami nga e, kaya hindi ako nagpapakasal,” pabirong saad ni Mayor Herbert, sabay banat ng tawa.

Nang matanong ukol sa estado ng relasyon nila ngayon ni Kris Aquino, ito ang tinuran niya: “It’s a special bond e, walang… hindi kayo mag-boyfriend-girlfriend, hindi rin kayo barkada lang, special, e. Kaya nga ang sinabi ko na mutual respect at mataas na uri ng pagkakaibigan.”

Pinasalamatan din ni Mayor Herbert si Kris, “Sabi ko nga, ‘Maraming, maraming salamat sa kanya.’ Dahil iyong panahon na ibinigay namin sa isa’t isa ay marami kaming natutuhan and naging moral booster siya sa akin, moral booster ako sa kanya and anchored iyon sa isang mutual respect,” aniya pa.

Ano ang reaction ni Mayor sa sinabi ni Kris na nagpapayat siya para sa kanya?

Nakatawang saad nito, “I love You Hater ba ito? Ano ba ang…”

Nang may nagsabi na i-support naman niya ang movie ni Kris, ito ang sinabi ni Mayor Bistek. “Supportive naman tayo e. Hindi ko nga alam bakit ako nagpo-promote, hindi naman ako kasama sa pelikula, e, hahaha!”

Kung imbitahan ka sa premiere night ng movie, manonood ka? “Manonood ako. ‘Yun ay kung invited ako ‘di, ba? Basta available ang schedule ko,” nakangiting tugon ni Mayor HB.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …