Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jolo Revilla Bryan Revilla Luigi Revilla Tres 72 Hours Virgo Amats Imus Productions
Jolo Revilla Bryan Revilla Luigi Revilla Tres 72 Hours Virgo Amats Imus Productions

Imus Productions, magiging aktibo na naman sa paggawa ng pelikula

HINDI na nga paaawat pa ang iconic Imus Productions dahil ngayong taon ay isasalang na sa Pista ng Pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng Film Development Council of the Philippines ang trilogy film na Tres na bida sina Cavite Vice-Governor Jolo Revilla kasama ang mga kapatid nitong sina Bryan at Luigi Revilla.

Bibida si Jolo sa 72 Hours, si Bryan naman sa Virgo, at si Luigi sa Amats.

Dalawang direktor ang humawak sa Revilla brothers, ito’y sina Direk Dondon Santos at Richard Somes.

May kanya-kanyang kuwento ang tatlong episode kaya naman nangako ang tatlong bida ng pelikula na magiging sulit ang ibabayad ng manonood.

Oo nga pala, after six years ay muling nagbalik sa pagpo-produce ng pelikula ang Imus Productions. Natutuwa naman ang tatlong bida dahil desisyon pala ng kanilang pamilya na sila dapat ang bumida sa comeback movie ng kanilang family business film production.

Bongga ang pelikula dahil mayroon pa itong gagawing music video ganoon din ang paglapat ng movie themesong na mismong si Jolo ang sumulat nito na binigyang tunog naman ng sikat na compositor at direktor na si Direk Joven Tan. (DOMINIC REA)

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …