Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ara Altamira, sasabak sa pagkanta sa Voices of July sa Music Box

PURSIGIDO ang actress na si Ara Altamira na maging mata­gum­pay sa mundo ng showbiz. Siya ay isang Pinay na modelo-aktres na dating naka-base sa Indonesia at ngayo’y sinusu­bukan ang ka­palaran niya sa sariling bansa. Bukod sa pagi­ging modelo sa naturang bansa, siya ay napabi­lang sa Top 15 Miss Popular DJ hunt finalist doon at nagkaroon ng cameo role sa pelikulang Takut Kawin sa Indo­nesia.

A couple of months ago ay napanood si Ara sa ser­yeng Pusong Ligaw ng ABS CBN ka­eksena ang young star na si Sofia Andres. Mayroon din siyang maliit na papel sa suc­cessful na pelikula ni Direk Jun Robles Lana na Ang Dalawang Misis Reyes na pinagbidahan ni­na Judy Ann Santos at Ange­lica Panganiban.

Pero bukod sa pagiging aktres/model, si Ara ay isa ring singer. Isa siya sa tampok sa show ni katotong Direk Throy Catan na Voices of July na gaganapin sa Music Box sa July 15, 2018, Sunday, 8pm. Kasama ni Ara na magpe-perform dito sina Tori Garcia, Mavi Lozano, Andrew Gan, Anthony Rosaldo, Josh Yape, Maricar Aragon, Eric Constantino, Eumir Jay Rader, Andy Baluyot, Jennelyn Gaga­jena, at ang gu­wapitong anak ni Allona Amor na si Nash Tillah.

Gaano ka nag-e-enjoy as a singer? Kung papiliin ka, saan mo gustong mas mag-focus, singing or acting?

Tugon ni Ara, “Kumakanta rin po ako, acoustic usually. Masaya ako kapag kumakanta, kasi iyon po ang time ko para i-release ang stress.

“I still want to focus on acting, pero as an artist, kai­langan talaga na maging flexible, kailangan i-try ang lahat at i-explore ‘yung talents na mayroon ako.”

Nabanggit din niya na masaya siya sa kaliwa’t kanang exposures sa TV at pati sa mga event. “I’m very happy po, kahit na sobrang napapagod ako sa biyahe, walang tulog na maa­yos, pero sa tuwing nakikita ko ‘yung sarili ko sa TV, ang saya ko. ‘Tsaka kapag nakaririnig ako ng good comments na even sa directors pa mismo nangga­galing, nakatataba po ng puso.

“Kasi ito talaga ‘yung gusto ko, passion ko ang acting, kaya gusto kong mag-improve palagi,” nakangiting saad ng versatile na si Ara.

Anyway, for Tickets para sa show na Voices of July, pls. call 09158507388 (02)5031309.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …