Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Maid In London, isang pelikulang puno ng pag-asa — Matt Evans

TATAMPUKAN nina Andi Eigen­­mann at Matt Evans ang pelikulang The Maid in London ni Direk Danni Ugali. Ang pelikula ay tumatalakay sa mga TNT o tago nang tago sa London at isa nga rito si Margo (Andi), isang mapagmahal na anak na handang gawin ang lahat para sa magandang kinabukasan ng kanyang mga mahal sa buhay. Napilitan siyang magtrabaho sa abroad, matapos na ang kanyang mga pangarap sa buhay ay ma­wasak ng lalaking kanyang minamahal.

Paano niya ide-describe ang pelikula?

Sagot ni Matt, ”Ito ay isang pelikula na punong-puno ng pangarap at pag-asa. Sobrang lapit sa realidad ng pelikulang ito. Ako po rito si Ben Santiago. Ako po ang gumanap na asa­wa ni Margo na pinagbidahan ni Andi.”

Nagkasama sina Matt at Andi sa teleseryeng The Greatest Love na pinagbi­dahan ni Ms. Sylvia Sanchez. Dito’y gumanap silang magka­patid, pero sa pelikulang ito’y mag-asawa ang dalawa. May love scene ba sila rito ni Andi at hindi ba sila nagkai­langan?

“Actually, tawa kami nang tawa noong una. Kasi, parang hindi namin alam noong umpisa kung paano ie-execute. So, buti na lang si Direk Danni nasa tabi namin.

Mabuti at hindi rin ganoon karami iyong ilaw… tapos ay iyon nga, na kami-kami lang. Naitawid naman po namin talaga… sa umpisa talaga ay hindi maiaalis iyong ilangan. Pero since siyempre ay napaka-professional talaga ni Andi Eigenmann at napakagaling, kaya na-pull thru rin namin talaga iyong eksenang iyon,” nakangiting saad ni Matt.

Nabanggit din ng casts ng pelikula na makare-relate ang viewers na OFW o may kamag-anak na OFW sa pelikulang ito.

Showing ang The Maid in London sa July 4. Ito’y sa screenplay ni Direk Danni at base sa librong Tago ng Tago ni BL Pangasinan. Tampok din dito sina Polo Ravales, Janice Jurado, Joshua de Guzman, Alexis Navarro, at iba pa. Ang  pelikula ay mula sa Cinem anila, UK at Viva Films. Ang producers ay sina BL Panganiban, Beth Rees, Steve Rees, Mark O’driscoll, Nhing O’driscoll, at Danni Ugali.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …