Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ellen, ‘di pa rin makasisipot sa mga paglilitis

TALAGANG desmayado raw si Mrs. Myra Abo Santos, ina ng teenager na nagdemanda laban kay Ellen Adarna matapos na ang bata ay pagbintangan noong kumukuha ng video sa kanila ni John Lloyd Cruz sa isang ramen house sa Makati. Noong una ay tila hindi pinansin ni Ellen ang preliminary investigation. Noong ikalawang preliminary investigation, wala ulit si Ellen at ang sumipot ay si John Lloyd. Kamamatay lang kasi ng tatay ni Ellen at hindi siya makakasama. Tapos, sinabihan naman siya ng kanyang doctor na huwag munang bumiyahe sa Metro Manila dahil delikado ang kanyang pagbubuntis at makasasama iyon sa kanya.

Kung ang inaasahan nga nila ay makakaharap nila si Ellen sa pagdinig ng mga kasong iyan, baka nga ma-disappoint sila. Marami pang katuwirang maaaring ilabas eh. Sa susunod manganganak naman siya. Tapos kailangan niyang magpahinga pagkatapos manganak. Maaari ring sa susunod ay hindi naman niya maiiwan ang kanyang anak. Kaya humanda na sila na kung isang taon lang, baka makaiwas pa si Ellen na personal na humarap sa husgado.

Basta naman kasi represented siya ng kanyang abogado, hindi mo siya mapipilit na humarap. Kung sakali man na isang kasong kriminal bumagsak ang kaso, maglagak lang sila ng piyansa ayos na iyon basta hindi magpapabaya sa hearing ang kanyang mga abogado.

Sa kaso naman ni Ellen, kung ayaw niya talagang humarap sa husgado, na hindi naman nangangahulugang tinatakasan niya ang kaso, puwede iyon. Hindi naman sa dini-discourage namin sila pero ang mga ganyang kaso, tumatagal talaga. Baka naman hanggang sa tumanda na ang anak ni Ellen hindi pa rin tapos iyan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …