Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

KathNiel, ratsada sa shooting ng The How’s Of Us

 NAKAKA-ANIM na shooting days na pala sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pelikula nilang The How’s Of Us ni direk Cathy Garcia-Molina ng Star Cinema. Kaya naman  ngayon pa lang ay hindi na magkanda-ugaga ang fans and followers ng dalawa sa buong mundo para sa gagawin nilang block screenings.

Ratsada na nga ang paglabas ng mga nakaw na kuha sa dalawang bida while shooting kung saan man!

Ayon naman sa isang Star Cinema insider, hindi talaga maiwasan ang ganyang eksena dahil simula palang ay ibang klase naman  talaga ang tagasuporta ng dalawa kaya okey na rin ito sa kanila.

Well, sabi nga nila, that’s what we call fandom. Kaya nga bilib na bilib ako sa KathNiels, ibang klase.

Ang pangako sa pelikulang ito, usap-usapang mag-asawa na ang role ng dalawa? Totoo ba?

Well, abangan natin ‘yan.

Kapag may time naman si Daniel ay nag-i-ensayo ito para sa nalalapit namang All Star Basketball Game ng Star Magic na gaganapin ulit sa Araneta this August.

REALITY BITES
ni Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …