Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erika Mae Salas, sa kanyang singing career ang focus

ANG pagkanta ang pinagkakaabalahan ngayon ng talented na young recording artist na si Erika Mae Salas. Sa ngayon ay mapapanood ang 16 year old na si Erika Mae sa series of mall tours ni Nick Pera Perez na pinamagatang NVP Philippines 2018 I Am Ready Album Mall Tours.

Kuwento ni Erika Mae, “Actually po, kasama po ako sa lahat ng shows ni sir Nick, kaya lang po may prior commitments po ako sa ibang dates. Pero na-inform naman po namin si sir Nick beforehand. Ang mga forthcoming shows pa ng NVP Team ay May 18 sa Bulacan po, May 23 nasa Farmers, Cubao po kami, at sa May 24 po ay nasa Ali Mall po yata.

“We started last May 11 po at halos araw-araw ang show kaya medyo wala pong pahinga. Tatlo po kaming guest performers, ang Soul of One, si Ms. Queen Rosas, and me po, tapos may mga front acts din po. I do sing two songs po every show. I am truly blessed and honored po to be a part of Sir NVP’s I Am Ready album mall tour.”

Ano ang masasabi niya kay Nick? “Napakabait and very lovable po ni sir Nick. For me po, he is a God sent angel na ang tasks is to spread love to humanity. Nakakahawa po ang positive vibes niya. He always makes everyone feel important po.

“If given a chance po, I would love to do a cover of his song My Mom. Napakaganda po kasi ng mensahe ng kanta, very heartwarming,” aniya pa.

Dagdag pa ni Erika Mae, “Apart from this schedules, I am busy rin po sa mga rehearsals ng Grand Music Palace Recital which will be held sa Teatrino on June 16. Ang title po nito ay Retrospectacular! GMP 11th Year Concert po ang title, featuring the students of GMP (Grand Music Palace Philippines) po.”

Sa ngayon ba, sa pagkanta ka naka-focus or wish mo rin lumabas sa movie or teleserye? “Kung ano po siguro ang dumating tito,” nakangiting saad niya.

Pero, enjoy ka naman na sa singing ang focus mo? “Yes po tito, wala po kasing gaanong pressure sa singing,” saad pa ng magandang singer.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …