Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sikreto ng Piso, bagong movie ni Joyce Peñas

MULING mapapanood sa pelikula si Ms. Joyce Peñas na kilala bilang isang model at fashion and jewellery designer. Itinanghal siya recently bilang Mrs. South Asia sa Mrs. Universe 2017. Subalit dahil pangarap niya ang maging aktres noong bata pa lamang, sumabak na rin siya sa pag-arte sa pelikula.

Isa si Ms. Joyce sa naging bida sa advocacy film na New Generation Heroes topbilled by Aiko Melendez, Jao Mapa, at Ms. Anita Linda. Ngayon naman ay isa siya sa casts ng Sikreto ng Piso na tinatampukan nina Gelli de Belen at Ariel Rivera. Ito ay mula sa JPP Dreamworld Productions na pag-aari ni Ms. Joyce.

Ano ang role niya sa pelikulang ito na pinamamahalaan ni Direk Perry Escano?

“I’m playing the wife of an owner of a junk shop, the rival of our neighbor who also has a junk shop. My aim is to put the other junk shop down to get his costumers to be ours. My husband here is Ricky Rivero, my daughter is Bea Binene. Ang kalaban ko naman sa business ay sina Lou Veloso and his children, si Ariel na husband of Gelli,” saad ni Ms. Joyce.

Tapos na po ba ang movie? Ano ang masasabi ninyo kina Ariel at Gelli as co-stars dito? “May shoot pa sa ibang scenes, pero ang scenes ko tinapos ko na before going here sa Germany. Kasi hinahabol ang Pistang Pilipino, Eto kasi comedy na entry para roon, sana mahabol ang deadline.

“So far okay naman kami, kasi may harmony naman sa shoot at wala naman akong problems sa kanila. Professional silang katrabaho, ang kasama ko most of the time sa scenes yung husband ko saka anak ko na si Bea. I like her, kasi napaka-sweet na bata. I am happy working with all of them naman.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …