Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kyline Alcantara, Reyna Elena sa Santacruzan 2018 sa Binangonan

PATULOY sa paghataw ang showbiz career ng Kapuso young actress na si Kyline Alcantara. In demand ngayon si Kyline dahil sa magandang feed back sa GMA-teleserye nilang Kambal Karibal na tinatampukan din nina Bianca Umali, Pauline Mnedoza, at Miguel Tanfelix. Kaya madalas ang out of town shows at public appearance ni Kyline.

Sa darating na May 6, pangungunahan ni Kyline ang Santacruzan 2018 sa Binangonan, Rizal, kaya naman excited na ang young actress sa naturang event.

Pahayag ni Kyline, “Hi po sa mga Kapuso riyan sa Binangonan, magkita-kita po tayo sa Grand Santacruzan 2018, sa May 6 po. See you there guys!”

Inaabangan ng mga Pinoy ang buwan ng Mayo dahil sa tradisyon ng Santacruzan na pumaparada ang mga naggagandahang sagala at mga guwapong konsorte sa iba’t ibang komunidad. At sa ganitong okasyon, nagtatagisan ang mga mahuhusay na fashion designers sa kani-kanilang disenyong kasuotang pangsagala.

Sa ika-43 taon na pagdiriwang ng Santacruzan sa Brgy. Libid Binangonan, Rizal, muli itong pamamahalaan ni Gomer O. Celestial, kasama sina Bgy. Chairman Willie Cenal, John Jerusalem, Rico Colestial, Carlos Mesa, Leonardo Celestial, Gil Anore, Edgard Flores, Armin Arada, mga kagawad.

Ngayong taon, magbibigay kulay at sigla sa nasabing pagdiriwang ang fast rising bagets na GMA actress na si Kyline bilang Reyna Elena at ang print ad comercial model at member ng Star Magic Circle na si Patty Mendoza, Queen of May 2018.

Gagamitin nila ang gown na nilikha ng designer na si Rhemil Cerda. Sina John Robert Lobaton at JP Santos Arabit ang kanilang mga konsorte. Ito ay lalahukan din ng mga piling dilag ng nasabing bayan na pangungunahan ng mga nagwaging Mr. and Ms. Teen Binangonan 2018. Ito ay gaganapin sa Mayo 6, 2018, 7:00pm.

Panata ang turing sa Santacruzan ayon kay Gomer O. Celestial, project chairman, ang Santacruzan ay tampok sa Pista ng Krus sa Bgy. Libid.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …