Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, muling iginiit, milyon ang nakuha ni James

PALAGAY namin, tama naman ang ginagawa ni James Yap na huwag nang patulan kung ano man ang hindi magandang sinasabi tungkol sa kanya. Kasi kung titingnan mo naman ang pinag-uugatan niyon, talagang lumalabas na bitter pa rin ang dati niyang asawa sa nangyari sa kanila. Hanggang ngayon nga sinasabing “milyon” ang nakuha ni James nang maghiwalay sila, na parang wala talagang naiambag si James sa kanilang naging kabuhayan noon.

Pero natatandaan namin, nakakuwentuhan namin noon ang abogado ni James na si Lorna Kapunan, na nagsabing kung ano man ang nakuha ni James sa hiwalayang iyon, ay iyon lamang inaakala nilang dapat ay sa kanya. Sa ilalim ng batas, sa paghihiwalay ng mag-asawa, dapat sana ay hati sila, fifty-fifty sa kung ano mang conjugal properties na mayroon sila. Pero si Kapunan ang nagsabi mismo na hindi ganoon ang kanilang hiningi. Kinuha lang nila iyong inaakala nilang pundar naman talaga si James, dahil para sa kanila ang mahalaga lang ay matapos na ang usapan.

Pinili rin naman siguro nila na maging single parent sa kanilang anak, para nga mawalan na ng pakialam si James, pero ngayon isinusumbat na wala raw ipinadadalang sustento si James.

Matitigil lang lahat iyang usapang iyan kung hindi na lang kikibo si James. Ano pa ba naman ang hahanapin niya, masaya na siya sa buhay niya kasama ang kanyang girlfriend na si Michela Cazzola. May anak na siyang lalaki, at malapit nang isilang ang ikalawa nilang anak na isa namang babae. Kompleto na ang pamilya niya eh. Maging masaya na siya roon.

Maganda rin naman ang buhay niya, at napatunayan niya na kaya niyang magtaguyod ng kanyang pamilya nang hindi umaasa sa kahit na sino. At halatang happy si James ha. Kung noon nababalitang nambababae siya, bakit ngayon tahimik ang kanyang buhay? Kasi kuntento na siya.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …