TAMA ang sinasabi ni Suzette Doctolero na mukha nga yatang malayo sa tunay na “babaylan” ang ganoong character sa Bagani. Eh iyon ngang Bagani malayo rin naman ang totoong character. Pero ano nga ba ang masasabi natin samantalang gabi-gabi, bago magsimula ang Bagani ay sinasabi na nilang iyon ay hindi ang mga historical characters kundi “inspired” lamang.
Isipin iyong mga dialogue, noon bang panahong iyon may salitang “petmalu” o “lodi”. Iyon ding kanilang dragon mukhang galing sa Jurassic Park, at hindi ang traditional na kuwento ng bakunawa sa ating mitolohiya. Eh fiction nga eh. Ang layunin lang ng Bagani, makaaliw ng mga nanonood. Wala naman silang pretentions na sila ay isang historical drama.
At least may napapanood tayong nakaaaliw at maganda ang visuals. Nakakasawa na kasi iyong puro na lang mangkukulam at kung ano-ano pang drama na wala namang kawawaan.
HATAWAN
ni Ed de Leon