PINAGSASABAY ni Alma Concepcion ang pag-aartista at ang career niya sa labas ng showbiz. Ayon sa aktres at former beauty queen, naging full time student siya noong nag-aaral pa sa UP Diliman ng kursong Interior Design noong 2009-2014.
Aniya, “I was a normal student, but during that time, I did Pintada which ran for 10 months. Aside sa showbiz, iyong pinagkakaabalahan ko ang Interior design projects ko and business ko rin itong BeauteDerm skin care.”
Sa ngayon, kabilang sa projects ni Alma ang mga pelikulang Anton’s Heart at Bakwit Boys, at ang forthcoming TV series na Inday Will Always Love You na pagbibidahan nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.
Mahirap bang pagsabayin ang showbiz at ang kanyang work as interior designer?
“Pareho namang part time, so it’s easy. I love them both. Kasi, both acting and designing are arts, arts in a different form. Aside from those, I’m also a hands- on mom. Well, my top role is being a hands-on mom to my one and only son whose 18 years old now. Si Cobie, kaka-graduate lang ng Senior High sa Ateneo and nakapasa siya sa Hult Business School sa San Francisco, USA kaya super bonding kami bago siya umalis.
“I’m enjoying my life so much, plus I’m busy with my anti-drug advocacy with DAD (Durugin Ang Droga). We’re also working with DILG Usec Dino at iikutin namin ang mga barangay sa buong bansa.”
Bakit ito ang naging advocacy ninyo? “Para bigyan ng pag-asa ang mga taong gustong bumangon,” saad niya.
Bilang endorser ng BeauteDerm, ano ang masasabi niya sa product na ito at sa CEO and owner nitong si Ms. Rei Tan?
Pahayag ni Alma, “Matagal na ako sa Beautederm. Started as an endorser, distributor, now, a depot owner. Very generous si Miss Rhea Tan sa kanyang wisdom so I grew to love it more and more everyday dahil ‘di lang marami ang napapaganda namin head-to-toe, marami rin kaming natutulungan.”
Iyong binuksang branch ng BeauteDerm sa Isabela, kumusta po? Parang bonding time ulit kayo nina Ms. Sylvia Sanchez, Matt Evans, Ms. Shyr Valdez, at Ms. Rei?
“Yes, the BeauteDerm family always bond. Prior to Isabela, nag-Singapore rin kami. Kaka-pass lang namin ng HSA Singapore and we just won as a Superbrand.
Always enjoy kami sa mga ganoong event, kasi matatagal na kaming magkakasama, parang pamilya na. We don’t feel its work, parang 90% family at 10% work.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio