Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

60 fans, naka-meet and dine ni Alden

ABANGAN ang promo tour ni Alden Richards para sa Cookie Peanut Butter sa SM Megamall Activity Center sa Linggo, Abril 22, 4:00 p.m..

Tuwang-tuwa ang prime artist ng GMA 7 sa ginanap na Meet and Dine kasama ang 60 miyembrong fans na ginanap sa Historia Boutique Bar and Restaurant sa Sgt. Esguerra, Quezon City nitong Miyerkoles ng hapon dahil muli na naman niyang nakasama sila.

Alam naman ng lahat na mabait si Alden sa mga supporter niya at talagang ini-estima niya lahat.

Noong nag-meeting sina Ms Cookie Abalos, may-ari ng Cookie Peanut Butter para sa meet and dine event ng fans ni Alden ay isa hanggang tatlo lang sana ang mananalo at makakasama ang aktor, pero dahil nakita ng owner ang suporta ng fans ng aktor ay ginawa na itong 60 base na rin sa seating capacity ng venue.

At para sa mga hindi nanalo sa meet and dine handog ng Cookie Peanut Butter ay sa Linggo, Abril 22 na lang abangan si Alden para na rin sa picture takings.

Sa panayam kay Alden, nabanggit nitong nakapag-recharge siya sa bakasyon niya sa Amerika kamakailan at na-enjoy niya ang New York City, USA dahil nakapaglakad siya ng walang nakakikilala sa kanya na hindi niya magawa rito sa Pilipinas.

Walang binanggit si Alden kung ano ang susunod niyang TV project sa GMA 7 dahil under negotiation pa.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …