Saturday , December 3 2022

Arjo, 4 na pelikula ang gagawin

SUMAKTO ang karakter ni Arjo Atayde bilang si Attorney Paco Alipio sa seryeng Hanggang Saan dahil isa pala ito sa pangarap niyang gampanan.

Sa nakaraang episode ng HS na dinikdik ni Arjo si Ariel Rivera sa witness stand ay ang daming humanga sa aktor dahil may angas at bagay sa kanya ang papel na abogado.

Kuwento ng aktor pagkatapos ng finale presscon ng Hanggang Saan, “It’s one of my dream role, tita kaya talagang inaral ko, well medyo hirap ako sa mga term lalo na kapag Tagalog, medyo bulol kasi ako sa Tagalog, but talagang inaral ko po.”

Hindi pa tapos mag-aral si Arjo kaya tinanong namin kung baka puwede niyang ikonsidera ang abogasya na maging kurso niya.

“Naku, tita, malabo kasi hindi po kakayanin ng schedules ko. Dapat tutok ka kapag law ang kinuha mo. For me po, hindi ko kaya.

“At saka ang daming opportunities kasi ngayong dumarating sa akin tita, so ayaw kong pakawalan ito dahil ang tagal kong naghintay so, pagbubutihin ko talaga. Mahirap pakawalan kasi minsan lang ito,” paliwanag ng aktor.

Tama rin naman, opportunity knocks only at once kaya samantalahin na ito.

Base sa pagkakaalam namin ay may apat na gagawing pelikula si Arjo sa Star Cinema, Regal Films, Reality Films, at indie film na makakasama niya ang inang si Sylvia Sanchez na sisimulang mag-shoot sa Agosto.

As of this writing ay walang sinabi si Arjo kung ano ang next TV project niya dahil ang concentration niya ay sa mga pelikulang gagawin niya.

Anyway, ikunuwento namin kay Arjo ang sabi ni Sue Ramirez na bago  kunan ang kissing scene nila ay nagsi-share sila ng mouthwash.

Tumawa nang husto ang aktor, “ay opo, ganoon kami ka-open ni Sue, wala kaming inhibitions sa katawan. Noong sinabing may kissing scene na, naunang mag-mouthwash si Sue, tapos sabi ko, ‘akina, ako naman sabay (lagok).’ Ganoon kami tita, walang hiya-hiya.”

Hindi ba nagseselos ang girlfriend niya sa kanila ni Sue?

“Hindi po tita, alam niya ‘yun at saka solid ArSue fan siya,” nakangiting sabi ng binata.

Abangan ang natitirang ilang linggo ng Hanggang Saan at kung sino-sino ang mamamatay pa sa characters na ikawiwindang ng manonood.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Jake Cuenca Baron Geisler

Jake Cuenca ‘di na umiinom, naging motivation si Baron

MATABILni John Fontanilla ISINAPUBLIKO ni Jake Cuenca na isa’t kalahating taon na siyang hindi umiinom ng alak. …

Michelle Aldana

Michelle Aldana balik-South Africa na

I-FLEXni Jun Nardo BUMALIK na sa South Africa ang beauty queen-turned actress na si Michelle Aldana at …

Andrea Torres Rabiya Mateo Max Collins

Andrea, Rabiya, at Max umaariba ang career kahit sawi ang mga lovelife 

I-FLEXni Jun Nardo PUSONG-SAWI man pagdating sa kanya-kanyang lovelife, umaaribang career naman ang isinukli sa …

Blind Item, Men

Pipitsuging gay talent manager inilalako alaga sa mayayamang bading

ni Ed de Leon ANG totoo, hindi naman sa nakikialam kami sa raket ng iba, …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne umamin na

MA at PAni Rommel Placente SO, talagang may relasyon na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, …

Leave a Reply