Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maine Mendoza Alden Richards Aldub Juancho Trivino
Maine Mendoza Alden Richards Aldub Juancho Trivino

Panliligaw ni Juancho kay Maine, pinalagan

NATAWA na lang kami room sa kuwento na bina-bash na naman nang todo ngayon niyong AlDub iyong si Juancho Trivino dahil nakitang kasama ni Maine Mendoza sa panonood ng isang concert.

Hindi iyan ang first time. May panahong minumura rin nila si Sef Cadayona na pinagbintangan nilang nanliligaw din kay Maine. May panahong pati si Jake Ejercito minumura-mura nila.

Isa lang ang dahilan, may suspetsa sila na ang mga iyon ay nanliligaw kay Maine, at gusto nila si Maine para kay Alden Richards.

Masasabi nating iyan ang dahilan kung bakit napilitan na rin si Maine na amining wala naman silang love affair talaga ni Alden, talagang love team lang iyon sa kanila. Ang hindi namin malaman kung bakit kung sino-sino ang minumura nila. Bakit hindi ang tilian nila ay si Alden at tanungin kung bakit hindi niya nililigawan si Maine. Hindi ba mas may logic kung bago mo murahin ang ibang tao, tingnan mo muna kung sino ang walang ginagawa sa paligid mo?

Hindi nanliligaw si Alden kay Maine. Hanggang sa harap lang ng camera iyon. Ano ang gusto ninyong mangyari, bumili na lang kayo ng isang truck na asin at iburo ninyo si Maine? Bata pa si Maine eh, maganda naman at may mga nagkakagusto sa kanya. Bakit naman siya magmumukmok kung hindi naman siya nililigawan ni Alden na ka-love team niya?

Iyang fans na iyan, nagiging unfair sila kina Alden at Maine. Unfair sila kay Maine dahil pilit nilang inaagaw ang kabataan niyon at gusto nilang ma-control nang hindi naman tama. Unfair din naman sila kay Alden dahil paano nga kung iba naman talaga ang gusto niya?

Totoong ang mga artista ay may utang na loob sa kanilang fans, kasi hindi naman sila sisikat kung wala ang mga iyon, pero hindi iyon nagbibigay ng karapatan sa fans na pakialaman pati ang personal na buhay ng mga artistang kanilang hinahangaan. Tagahanga lamang sila, hindi tagapagpatakbo ng buhay ng mga artista.

Huwag naman ninyong kawawain ang mga artista dahil diyan sa mga mali ninyong paniniwala.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …