Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Almost A Love Story Ana Capri Barbie Forteza Derrick Monasterio Baby Go Lotlot de Leon

Ana Capri, sobrang nag-enjoy sa pelikulang Almost A Love Story

ONE week nag-shooting sa Italy ang casts ng pelikulang Almost A Love Story na showing na sa April 11. Ang premyadong aktres na si Ana Capri ang isa sa casts ng pelikulang ito na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

Ayon kay Ana, masaya siya sa pagiging bahagi ng pelikulang ito ng BG Production International ni Ms. Baby Go.

“Sobrang happy ko talaga, ito ‘yung first mainstream ng BG at ire-release by Regal pa, hindi ba? Thankful ako kay Ms. Baby Go na tumutulong na rin sa akin ngayon, bale para i-manage ako sa movies.

“So, bale salamat talaga sa opportunity, ‘tsaka sa tiwala nila sa akin. And kasi, ang ganda talaga ng lugar na pinag-shooting-an namin sa Italy. Lalo siyang nakatulong para sa ikagaganda ng movie, e. Tapos si Direk Louie (Ignacio) pa ang director na birthday ngayon, so, kaabang-abang talaga ang movie na ito,” saad ni Ana.

Nabanggit pa niya na proud siya sa nangyayari sa career ngayon ni Barbie, na noong mas bata pa ay nakatrabaho na niya sa TV series ng GMA-7 na First Time noong 2010.

“Si Barbie kasi, nakatrabaho ko na siya dati pa e, aside roon sa Laut, naging anak ko na siya sa GMA 7 teleserye noong bago pa lang siya. So dahil nakita ko siya noong maliit pa and then ngayon, happy ako at proud ako sa kanya.

“Kasi, parang baby-baby namin iyan, e. So, nag-grow siya as a person and as an actress, tapos ‘yun nga ‘di ba, dito sa Almost A Love Story, iyan ‘yung medyo parang pinaka-mature na role niya, hindi ba?

“Si Derrick naman as my son, nasorpresa ako, kasi first time ko siya naka-work and he’s very professional, may potential talaga siya and he give his character naman na tama ang timpla, suwabe lang…. Sabi ko nga kapag pinanood mo siya, siya ‘yung bago mong mamahalin, sa mga grupo ng girls, ‘yung character na ibinigay sa kanya roon, mai-inlove talaga sa kanya ang mga girls.

“Kaya ako mismo, kinikilig sa kanila noong nasa Italy kami at habang nagsu-shooting,” nakangiting saad ni Ana.

Dagdag niya, “Sure ako na kikiligin din ang moviegoers dito, ano siya e, feel good movie naman. And it’s a love story about ‘yung in a relationship and mayroon ding story na pang-family. Kumbaga, ‘di lang pangpakilig ito, pang-family din. Relationship of a mother and ng kanyang anak.”

Ang Almost A Love Story ay sa pakikipagtulungan ng Salento Cinema of Italy at GMA-7. Bukod kina Barbie, Derrick, at Ana, kasama rin sa pelikula sina at Lotlot de Leon at Matet De Leon.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …