Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mark Anthony Fernandez, thankful kay Coco Martin at sa ABS CBN

LABIS ang pasasalamat ni Mark Anthony Fernandez sa pagkakataong ibinigay sa kanya na maging bahagi ng bagong casts ng FPJ’s Ang Probinsyano na tinatampukan ni Coco Martin. Si Mark ay gu-maganap dito bilang isang congressman na half-brother ni JC Santos at father nila si Edu Manzano na Vice President naman ng Filipinas. Si Alice Dix-son ang asawa ni Edu at step mother naman ni Mark Anthony.

“Sobrang saya ko po, nagpapasalamat ako sa Diyos na nakapiling ko ulit ang showbiz fa-mily ko. Sobrang honored din po na makakasali ako sa FPJ’s Ang Probinsyano at makaka­sama ko si Coco Martin at ang iba pang magagaling na artista. Bukod kasi sa magagaling ang mga cast nito ay top rating TV series pa ito. Kaya thankful ako kay Coco at sa ABS CBN,” pahayag ni Mark na dating miyembro ng Guwa-pings at isa sa sikat na matinee idol noon.

Dagdag niya, “Noong first time naming nagkakilala ni Coco dito sa Ang Probinsyano, very humble siya, mabait, at worthy talaga siya na maging lead star dito.

“Sabi rin po ng manager ko na si Boss Vic (del Rosario) natuwa po siya at ako, siyempre ay natuwa po talaga ako dahil talagang magandang exposure ito at magandang comeback. So, para at least ay malalaman din ng publiko na back to work na po si Mark Anthony Fernandez.”

Ayaw munang sabihin ni Mark Anthony ang ma-giging role niya rito. ”Surprise na lang po, pero ano ito, very challenging ang gagampanan kong papel dito, maaksiyon na may acting po ang mapapanood nila sa akin dito,” pahayag pa ng anak nina Alma Moreno at ng namayapang action star na si Rudy Fernandez.

Magkakasagupa ba sila rito ni Coco?

Tugon ng aktor, “Definitely ay mayroon kaming sagupaan ni Coco rito, looking forward na ako… Kaya lang surprise po muna, pero alam ko na magkakaroon kami ng head-on na engkuwentro rito ni Coco, salpukan kumbaga na dapat abangan ng lahat,” saad ni Mark Anthony.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …