INIIMBITAHAN ang lahat ng mga kabataang nasa edad 12–17 na lumahok sa Sali(n) Na, Angela!, isang timpalak sa pagsasalin ng mga tula ni Angela Manalang Gloria, na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino bílang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ng Filipinas sa Abril.
Maaaring pumili sa mga tula ni Gloria na “Poems,” “The Debt,” at “1940 A.D.,” na isasalin mulang Ingles tu-ngong Filipino. Ang magwa-wagi ay tatanggap ng sumu-sunod na gantimpala: P5,000.00, unang gantimpala; P3,500.00, ikalawang gantimpala; at P1,500.00, ikatlong gantimpala.
Isinilang sa Pampanga, ngunit lumaki sa Albay, itinuturing na ina ng mga makatang babaeng nagsusulat sa Ingles si Angela Manalang Gloria.
Noong 1940 ay kinilala siya bilang “Natatanging Kabataang Babae sa Panitikan” ng Philippines Graphic.
Ang kaniyang aklat ng tula na Poems (1940) ang una at tanging koleksiyon ng tula bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na isinulat sa Ingles ng isang Filipina.
Patuloy itong panghihimok ng KWF sa mga kabataan na magsalin ng mahahalagang akda tungo sa wikang pambansa at kasama ang timpalak na ito sa ikaapat na taóng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan na may temang Pingkian Panitikan.
Tatanggap ang KWF ng mga lahok hanggang 6 Abril 2018. Para sa mga detalye, maaaring tumawag sa 736-2519, o bumisita sa kwf.gov.ph