Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rayantha Leigh, magtatanghal sa Music Box sa Feb. 8

MAGPAPAKITA ng talento ang young singer na si Rayantha Leigh sa show na A World Class Night sa Music Box sa February 8. Isa si Rayantha sa tampok sa show na ito kasama sina Kikay at Mikay, Maricar Aragon, at iba pa.

Ano ang dapat asahan sa show na ito this coming Thursday?

Pahayag niya, “Iyong show sa Music Box sa February 8, kasama ako roon with Kikay Mikay, at iba pa. Kakanta po ako ng five songs. Thank you to Ms. Anne Venancio for including me in the show. Perfect po ang show para sa magde-date for Valentine’s day, lalo na’t ang kakantahin ko ay love songs.”

Bukod sa pagiging singer, nakatakda na rin niyang pasukin ang pag-arte sa pelikula via BG Productions. Pero saan ba niya gustong mag-focus talaga, sa singing or acting? “I would like to focus more on singing kasi roon ako nag-start talaga and I think I can do both, singing and acting at the same time,” wika ni Rayantha na kumuha rin ng acting workshop kamakailan kay Ogie Diaz.

Sinabi ni Rayantha na sobrang iniidolo niya si Moira dela Torre. “Ang isa pang I idolize right now is Moira Dela Torre. Not only because she is popu­lar now, but I really admire her voice. She sings her songs with feelings and her voice is very relaxing po talaga.”

Ano ang masasabi mo sa tulong at suporta sa iyo ni Ms. Baby Go? “I’m really thankful na very supportive sa akin si Ms. Baby Go. So in return, I will support her also. Sobrang naa-appreciate ko talaga ‘yung tulong and support niya.”

Pahabol ni Rayantha, “Sobrang saya ko po and at the same time naninibago kasi I started as a singer, then nga­yon pati pag-aartista na rin. Sa ngayon po kahit anong role po ay okay lang sa akin.

“Gusto kong makasama sana sa movie kung bibigyan ng chance sina Liza Soberano dahil I really idolize her. Pati na rin ang JaDine.”

Nabanggit din ng Mommy Lanie ni Rayantha ang pasasalamat sa fashion designer na si Rodell Salvador na gumawa ng magandang gown ni Rayantha sa naturang awards night at nang nag-guest sa Mister Continents Uni-ted sa SM Cherry Antipolo.

Kasali rin si Rayantha sa Hamaka Festival 2018 ng Taytay na ang main event ay Ma­yor’s Night sa February 18 at makakasama ni Rayantha rito ang X Battalion, Side A, Kyla, Mitoy, at si Ate Gay.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …