Saturday , December 21 2024
ombudsman

Sa Ombudsman dalhin ang kaso

ISANG resolusyon ang inihain sa Senado na humihiling sa dalawang komite na imbestigahan ang sinasabing P100 milyong umano’y  tagong yaman ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at kanyang anak na babae na si Davao City Mayor Sara Duterte sa Bank of the Philippine Islands.

Inihain ang resolusyon ni Senador Antonio Trillanes IV, kilalang pangunahing kritiko at kalaban ng pangulo at ng kanyang administrasyon.

Gaya nang inaasahan, mayroong mga pumabor sa naging aksi­yon ni Trillanes, at mayroon din mga kakampi ng pangulo ang tumutol nang husto sa hakbang, partikular si Senador Ri­chard Gordon, ang pinuno ng blue ribbon committee na isa sa dalawang komite na didinig sa mga akusasyon ni Trillanes.

Ayon kay Gordon, hindi ang Senado ang dapat mag-imbestiga sa mga akusasyon ni Trillanes laban sa mag-ama, kundi ang Kamara sa pamamagitan ng impeachment.

Kung hindi naman maaari sa Kamara, dahil maraming nagsasabi na puro mga kakampi ng pangulo ang naririto, bakit hindi isampa ang reklamo sa Ombudsman, na kilalang kalaban din naman ni Duterte, at masasabing nananatiling independent.

Tama sigurong ihain ang kaso hindi sa Senado o sa Kamara man, kundi sa Ombudsman, dahil mas makatitiyak tayo na magiging patas ito at walang kikilingan.

Kung makikinig ang Senado at Kamara, ay sila lang ang ta­nging nakakaalam.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *